Chapter 9

3K 89 11
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

Chapter 9

 

 

 

 

“Hindi ko pa tapos ang plates ko!!” Pagpa-panic ko. Pero too late dahil binabagtas na namin ni Eryx ang skyway papuntang SLEX.

“Tagaytay lang ang pupuntahan natin,” Eryx snickered. “Hindi Quezon province. Wag ka ngang OA.”

I pouted. Sa bagay, feeling ko kailangan ko rin naman mag-relax kahit papaano. “Teka, paano mo nalaman na andun ako kanina?”

“I just used logical thinking?” Sarcastic na reply ni Eryx. “Arki student ka, so malamang nasa Arki building ka ‘di ba?”

“Ang laki-laki ng Arki building at ang daming palapag!”

“Eh ‘di iisa-isahin ko yung mga palapag ng Arki building at mga room dun...Just to find you.” His smile can be heard from his voice.

“You’re hopeless.”

“Hindi ka kase tumitingin ng phone mo,”

“Hindi ko naman alam na magti-text ka eh.”

“Eh ‘di ba sabi natin sa isa’t isa bago maghiwalay magti-text-text tayo? Ganun na lang ba ang lahat? Nakalimutan mo na ka’gad ako?” Melodramatic nitong wika sa akin. I rolled my eyes in disgust.

“Ayan ka na naman eh, ang corny mo na naman eh,” Seryoso ko sanang sasabihin yung statement ko but I can’t help but laugh as well.

“Natuwa ka naman.”

“Hindi noh!”

“Weh? Denial?”

“Che!” I exaggeratedly muttered. “But thanks anyways. You saved my ass again.”

“I know. Dumarami na utang mo!”

“Bumbay ka ba?” I snickered. “Kinukulekta mo talaga mga pagkakautang ko sa’yo ah?!”

“Alam mo naman kung anong gusto kong kabayaran ‘di ba?”

Natigilan ako at naging paranoid. “Shit. Kaya ba dadalhin mo ko sa Tagaytay? I am not that kind of girl Mr. Sandoval!” I almost screamed.

“Kumalma ka nga...at wag kang paranoid! Kung ano mang iniisip ng dirty mind mo, well, hindi iyon totoo. Wag ka ngang masyadong feeling.”

“Ang kapal ha! Ako pa talaga ang feeling?!”

Sandaling natigil ang pag-uusap namin ni Eryx nang dumaan kami sa tollgate. I quickly fished for my coin purse pero pinigilan niya ako. Okay na daw. Pagpasok namin ng SLEX, himala, walang build up ng mga sasakyan. Pinaharurot agad-agad ni Eryx ang kanyang kotse na parang galit ito sa gas pedal.

“I’ll find out kung sino ang mga nag-print ng pictures mo and posted it sa freedom wall.” Biglang sumeryoso ang mukha at boses ni Eryx.

“Don’t mind them. Mga inggitero’t inggitera lang ang mga yun. Mga insecure. I think it is Beatrice. Yung pinalit sa’kin ng ex ko.”

Aphrodite's SonWhere stories live. Discover now