Chapter 11

2.9K 77 20
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

Chapter 11

 

 

 

 

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Shet 6am na. School mode ulit. Tang ina wala akong nagawa ni isang plate. Pero okay lang, next week pa naman ipapasa yun. Kakamulat pa lang ng mga mata ko eh ang dami ko na ka’gad bagay na iniisip. Very good, Auds.

Tatayo na sana ako mula sa pagkakahiga ng maalala ko na may katabi pala akong natulog. Shet.Double shet. Eryx.

Tulog pa rin ang loko. Sandali kong hinipo ang noo nito at hindi na ito mainit. Gayun pa man, ayoko ‘tong gisingin. Baka kailangan niya pa magpahinga. Pero teka, wala ba ‘tong duty or pasok?

Nakatulog kaming dalawa na naka-uniform pa rin. Yuck kadiri. Magkaharap kami at magkayakap. Nag-init ang mukha ko at namula ng ma-realize na nakayakap na rin ako sa lalakeng ito. Sana walang masyadong malisya ‘tong mga ginawa ko.

Pinagmasdan ko ang maamo nitong mukha habang natutulog. Napangiti ako. Day 3 pa lang namin ngayon na magkakilala pero feeling ko isang buong lifetime na ang ini-spend naming dalawa.

Baka naman pinadala talaga siya ni Aphrodite para sa’kin? ‘Di kaya?

Charot. Emote. Ano ba ‘yang mga iniisip mo Auds. May amats ka pa rin ba?

Bigla naman akong na-self conscious nang tignan ko uli ito. Ayoko mang aminin pero ang gwapo talaga nito. Tapos ako, feeling ko, naging pugad na ng ibon ang buhok ko. Baka nga may tulo pa ng laway ang pisngi ko. Agad kong kinapa ang mukha ko. Luckily wala.

Mahigpit itong naka-hawak sa aking bewang. Nakakapit naman ang isa kong braso sa leeg nito. Ang isa nitong braso ay nasa likod ko. Magkapalupot ang aming mga binti. Kitang-kita ang contrast ng puti nitong pantalon against my maroon pants.

“Eryx?” I softly whispered to him. “Hindi ako makagalaw...may pasok ako...”

Hindi man lang ito nagising o naalimpungatan. Demmit. Tulog-mantika.

“Eryx!!” Niyugyog ko ito bahagya at unti-unti itong dumilat. I regretted the instance na nagising ito. Sobrang lapit ng mga mukha namin. Nag-alala tuloy ako kung bad breath ba ako.

“Hi Auds.” Ngumiti kaagad ‘to. God, ganito ba talaga ‘tong lalake na ‘to? First thing in the morning eh ngumingiti kaagad? Bakit ako hindi ako makausap in a humane way sa umaga at grumpy ako hangga’t hindi pa ako nakakainom ng kape?!

“Uhm, hindi ako makaalis sa pagkakayakap mo.” Iyon talaga ang gusto kong sabihin pero I also regretted it nung sinabi ko. Parang nagsusumigaw na 100% awkward ang ginawa kong statement.

He nudged my cheek a little. Parang aso na nanlalandi ng amo. “Eryx, ano ba!” Saway ko dito. Binitiwan naman ka’gad ako nito.

“Maybe I should go.” Wika nitong tila inaantok pa.

“May pasok ka ba or duty?”

“Wala. Free day ko ngayon.” He smiled again. God, would you stop smiling? Nakakabaliw kapag ganito kaaga!

Aphrodite's Sonحيث تعيش القصص. اكتشف الآن