Chapter 17

2.3K 58 9
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

Chapter 17

 

 

 

 

I badly miss you, Auds.

Look, I’m sorry. Pls giv me another chance.

I knew in my hart na ikaw tlg ang mahal ko, naguluhan lang ako.

Pls reply.

Y can’t I call u? Wru?

Did u change ur #?

I still love you, Auds.

Ilan lamang iyan sa mga text na na-receive ko mula kay Howell. Nakatulala pa rin ako habang dini-delete ang buong inbox ng phone ko. Hindi ko na binasa ang iba.

Kanina pa ako palakad-lakad sa loob ng dorm ko na parang natanggalan na ako ng turnilyo sa ulo. Putang inang Howell ‘to. Alam mo yung hindi na masakit? Tapos alam mo yung masaya ka na sa buhay mo ng wala siya? Tapos bigla siyang babalik?

Biglang nag-ring ang cellphone ko at sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ito. I just stared at it vibrating hopelessly sa sahig. I stared at the name of the caller—si Howell.

Dapat pala hindi ko na chinarge ‘tong putang inang cellphone na ‘to. Imbis na payapa akong matutulog ngayong gabi, binigyan ko pa ng problema ang sarili ko. I know the intelligent thing to do and I did it—hindi ko sinagot ang tawag nito.

And my phone rang and rang and rang—pero hindi ko ito sinagot ni isang beses. Hindi ko rin kinansel. Bahala siya sa buhay niya kung anong isipin niya na dahilan kung bakit hindi ako nagre-reply at hindi ako sumasagot ng tawag.

Naligo ako sandali upang alisin ang badtrip sa aking sistema. Nagpalit ako ng kumportableng pantulog at saka ko binalikan ang phone ko upang i-set ang alarm nito. Maaga ako bukas na papasok sa school dahil enrollment. Gusto kong maaga makauwi.

Pagkakita ko pa lang sa screen ng phone ko ay may bago na naman akong text messages. I should’ve ignored all of it pero tinignan ko pa rin dahil baka mamaya may galing sa ibang tao—halimbawa kay Eryx.

Nanlaki ang mga mata ko when I’ve seen the newest text na dumating! Galing ito kay pakingtape ex!

I’m here in front of your dorm. Alam kong nandiyan ka. Merong ilaw sa kwarto mo.

I ignored it completely pero may isa pa uling dumating na text.

Pls. Kahit dumungaw ka lang. I miss you, Auds.

I sighed. Hindi naman ako impokrita at hindi naman ako ganuon katigas. May puso pa rin naman ako at nagawa kong maawa sa ex ko. Bumuntong-hininga ulit ako. Nag-isip saglit. Ano bang gagawin ko, punyeta naman?

Nagsimula uli akong maglakad ng paikot-ikot sa loob ng kwarto ko. Ang plastik ko naman kung hindi ko aaminin sa sarili ko na hindi ko inantay ang ganitong moment na binabalikan ako ni Howell.

Hindi ako plastik. Alam ko nung araw na hiniwalayan niya ako na naisip ko ito. Naisip kong gagapang din siya pabalik sa akin. At naisip ko din kung gaano kasarap sa pakiramdam kapag nasa iyo ang huling halakhak.

Aphrodite's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon