Chapter 8

2.7K 88 13
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

Chapter 8

May hang-over at kulang sa tulog. Pumasok ako sa school na ganyan ang pakiramdam. Bahala na si batman sa exam ko. Kahit hindi kami close.

Nagsimula ang exam at mas marami pa akong inidlip kesa sa nasagutan. Aaminin ko, hindi ako nakapagbasa, punyeta. Hindi ba exempted ang mga sawi sa pag-ibig sa mga exam? Hay.

Matapos ang exam, nagpunas pa ako ng bibig. Baka may tumulo pang laway. Batman, ikaw na talagang bahala. Midterm ko yun eh.

Yung mga plates ko pa pala. Gawaan na kase ng thesis ngayon at plano ng ospital itong ginagawa ko. Pero like many architects before me, gusto ko kakaiba ang magagawa kong ospital. Kumbaga pagkakita mo pa lang ng ospital na yun sasabihin, “Ay! Si Arkitek Audrey ang may gawa niyan!” Ospital ang gusto ko kase para sa kuya ko. Who knows ‘di ba in the future makapagtayo siya ng ospital ‘pag balik niya dito sa pinas.

Kahit antok na antok at may amats at bitter, napapangiti pa rin ako kapag iniisip ko na konting kembot na lang, lalaya na ako sa school na ‘to. Basta yung midterms ko sana naman sumabit.

Dumaan muna ako ng CR para maghilamos bago pumunta sa library para tapusin ang mga plates. Medyo bumalik ako sa huwisyo ng dumampi sa mukha kong haggard ang malamig na tap water. Tinitigan ko ang wasted kong mukha sa salamin. Laki ng eyebags ko. Para akong hiniwalayan talaga ng jowa. Sobrang weird.

Pinlantsa ko gamit ng kamay ang light cream blouse ko at ini-straight ang maroon kong pants. Inayos ang pagkaka-ponytail ng buhok ko at nagpakawala ng buntong hininga. Go, Auds, fight!

Lalabas na sana ako ng CR ng may isang grupo ng mga babae na humarang sa’kin...kasama sa crowd si Beatrice.

Kahit saan ako maglakad, hinaharangan nila ako. Nakayuko na nga ako, at ini-ignore sila to death, papansin pa rin sila, hanggang sa itulak ako ng isa sa mga babae. Napaupo ako sa sahig ng CR. Yan na nga ba sinasabi ko eh. Masama talaga ang alak sa katawan.

“Problema mo, teh?” Nalilito kong tanong kay Beatrice.

“Wag na wag kang didikit kay Howell, because he’s mine!” Mataray nitong wika sa’kin.

Tumayo ako mula sa sahig. Tawa-inis ang nagawa ko. “Break na kami...ng dahil sa’yo. Hindi ka pa ba masaya?” I gave her a fake smile. Ramdam ko ang bigat ng eyebags ko sa magkabilang mata. Tangina. Kung alam ko lang na may confrontation moment, dapat nag-make up ako ng makapal.

“You still went to his condo last night!” Irita nitong wika sa’kin. The girls on her back gasp. Para bang ang dumi-dumi kong babae dahil sa mga pinaparatang sa’kin ni Beatrice.

Hindi ko maunawaan kung ano bang nangyari. Isa si Beatrice sa mga pinagkakatiwalaan ko noon. Kapag may problema kami ni Howell, isa siya sa mga sinasabihan ko. Tapos one day, bigla na lang itong hindi nagre-reply sa mga text ko. Hindi namamansin. Hindi ko na nakasabay mag-lunch. Yun pala shinota na yung jowa ko.

“Eh ano ngayon kung nasa condo niya ko, teh? Hindi naman ako ahas na kagaya mo?” I gave a fake laugh para mas ma-highlight yung pagtawag ko sa kanya ng ahas.

Aphrodite's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon