Chapter 34

1.5K 56 7
                                    

Chapter 34

I said Yes.

Hindi pa kami engaged, okay. Hindi pa kami magpapakasal. Saka na. Pag may mga napatunayan na kami sa aming mga sarili, sa mga magulang namin at sa mundong aming ginagalawan. Madami pa kaming kakaining bigas. Bata pa kami sa totoo lang kahit graduating na ako ng college at si Eryx ay gruma-graduate na ngayon. As in now na.

Saan ako nag-yes? Well, to an infinite possibility with me being in a relationship with Eryx Sandoval. Nag-yes ako sa pagiging official girlfriend niya. Yes to being his partner in life. Yes to finally being in a worthy relationship which would allow me to grow, make me a better person and would let me follow my dreams. Nakita kong lahat iyon sa buong time na kasama ko si Eryx. Masasabi kong this relationship is worth keeping.

At habang pinapanuod ko si Eryx ngayon from a distance, receiving his Mr.Nursing award kasama ng kanyang diploma, habang pinagkakaguluhan siya ng maraming babae (hindi ko alam na ganito pala kasikat si Eryx sa college niya. Now I know!) hindi man lang ako nababahala na maagaw siya sa'kin. Na makalimutan na niya ang isang arki undergrad na kagaya ko dahil sa limelight na tinatamo niya right now. Alam ko, malaki ang kumpyansa ko, na kahit anong mangyari, mahal ako ni Eryx.

Tumingin ako saglit sa relo ko. Malapit na matapos ang commencement exercise ng college of nursing. At hindi ko naiwasang aside from my watch, matignan ko rin ang mini-diamond-girlfriend ring ko. Napangiti ako. Ang swerte ko talaga. Isa na ako sa pinaka swerteng babae sa halos buong lugar na ito.

Sa university gymnasium ginanap ang college of nursing grad. Nasa may bandang taas ako at ang stage ay nasa pinakababa, nasa pinaka gitna ng gym. At hindi ko talaga alam kung paano pa nagawang magtama ng mga paningin namin ni Eryx. Napangiti ito ng makita nitong nakatingin ako dito. Sinuklian ko naman ka'gad ang ngiti nito at kumaway pa saglit just so he knew na alam kong nakikita ko siya from afar looking at me. Ah ewan. Bakit ba graduationg-graduation, eh naglalandian pa rin kami?

Nagsimula itong lumapit sa'kin. Umakyat papunta sa kinalalagyan ko. At ako naman, biglang na-self conscious. Ano ba, Auds. Kanina naglalandian kayo across the gymnasium, ngayong lalapitan ka, bigla kang pinaglihi sa halamang Makahiya. Umayos ka nga!

Pero wala talaga. Alam mo yung lahat ng gagawin ni Eryx sa'kin, feeling ko, first time? Palaging may spark, may kilig. Ganito 'ata talaga kapag in love. Or kapag true love. Hindi nawawala ang kilig factor. Kahit ang tagal niyo na. Kahit ang mundane lang ng mga gagawin niyo like this one—lalapitan lang naman ako ng pinakamamahal kong lalake in his dashing graduation toga. Parang lahat na lang ng gagawin niya, napapasaya niya ako.

I tucked some of my hair behind my ear. Medyo nag-ayos ako this day. Para kay Eryx. Anticipated ko naman na maraming magkakandarapa na babae sa kanya ngayon dahil nasabi na niya sa'kin before hand na ngayon din ibibigay ang award niya bilang Mr.Nursing. Alam kong somehow may mga babaeng aaligid. Kaya naman I tried my best to look my best. I curled my hair. I wore an elegant looking,knee high maroon silky dress. I wore killer black heels to complete my look. I wore a string of pearls on my neck.

Sabi ng mama ni Eryx kanina, isa ako sa pinaka-eleganteng tignan sa buong gymnasium na yun. Sobrang flattered ko given na ang pumuri sa'kin ay ang propesora na mama ni Eryx na talaga namang equally stunning and elegant looking as well. Maaga pa lang ay umalis na galing Quezon ang mama at papa ni Eryx just to attend this graduation. I just wonder if pupunta rin ba ang mama at papa ko sa graduation ko? (Hopefully, next year) Uuwi kaya sila ng pinas? Sana umuwi sila nang maipakilala ko na rin si Eryx sa kanila.

Nakaupo sa isang sulok ang mama at papa ni Eryx. Katabi nila ako kanina. Kaso na-bored na 'ko sa tagal at pagkakaupo, kaya naman nagpaalam muna ako sa parents ni Eryx na lalabas lang saglit para mag-cr. Tapos hindi na ako bumalik sa pwesto nila. Sana hindi sila magalit sa'kin. Hehe.

"Love."

Naputol ang string of thought ko nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Si Eryx. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya. Sobrang layo at lalim nang tinakbo ng isip ko at hindi ko namalayan na na-cross na pala ni Eryx ang distancce between me and him.

"Congrats, love." I replied. We smiled for a while before finally giving into a passionate kiss. Teka, nakalimutan ata naming graduation 'to at hindi dapat nag-P-PDA nang ganito? Pero wapakels. Ayan na, eh.

Sorry mga ate mong girl na mga nursing. Kitang-kita niyo right now na meron ng Mi Amore si Mr. Nursing nyo. Ako yon. Oo. At kita nyo ang kaliwang kamay ko? Oo. Singsing yan. He's mine. And he claimed me as his.

The warmth of Eryx's kiss also made my body heat up. Kanina, nilalamig ako sa airconditioning ng buong lugar, considering na naka-backless pa naman ako. Pero ngayon, pagpapawisan ata ako sa sobrang hot ng ginawa namin ni Eryx (Pati pala si Eryx, hot)

Eryx hugged me tight and I hugged back with equal intensity.

"Mas lalo kang gumanda ngayon, Love."

"Forever bolero!" I nudged him and he softly chuckled. Gahd. Kahit saan ko atang lugar marinig ang mahina nitong pagtawa, I can't help but to melt. It is just music in my ears.

"Asan na si mama at papa?"

"Andun sa may sulok," Sabay turo sa pwesto ng mama at papa ni Eryx. Nagkukwentuhan ang dalawang matanda. Unaware na ang anak nila ay kasama ko na dito sa may taas.

"Sorry iniwan ko sila. Bored na bored na 'ko, eh. Sana hindi sila magalit. Sana hindi ka rin magalit." As I gave him sad puppy eyes.

"Okay lang yun, Love. Alam ko naman from the start na this kind of thing will just bore you but you still went anyway. And for me, that's enough already. Alam ko naman na super malikot ka. Hyper active! Fiery! But that's okay. I love all of your qualities. I love you for who you are. I love all the little things that make you as Audrey. I won't change anything in you. For me, you are already perfect."

"Langya, Eryx. Akala ko ba ikaw ang may graduation? Bakit ako ang binubola mo dyan? Bakit ako ang pinapasaya mo?! Nakakainis ka talaga kahit kailan!" As I gave him a light punch on the arm. He just held me tight like before. Never letting me go just for once.

"Kahit ano namang okasyon, hindi ako magsasawang pasiyahin ka at mahalin, Auds." Patuloy na hirit pa rin ni Eryx.

Natapos din ang commencement exercise. Hindi na bumalik si Eryx sa upuan niya kasama ang iba pang graduates. He stayed with me. Hindi ko alam kung bakit hindi man lang siya nakita ng kung sinong Faculty member at bakit hindi siya pinapagalitan dahil pasaway siya. Nung inihagis ng mga graduates ang graduation cap nila, isinuot naman ni Eryx sa'kin ang sa kanya.

"Ikaw na ang next na ga-graduate! Galingan mo, Love!"

"Thanks, Love."

"I love you, Audrey."

"I love you too, Eryx."

Naputol ang aming pag-e-emote nang biglang lumapit sa'min ang parents ni Eryx.

"O, kanina pa namin kayo hinahanap. Tara, let's celebrate!" Masayang wika ng mama ni Eryx. And with that, we left the university gymnasium with smile on our faces.

At kami ni Eryx, magka-holding hands.

Aphrodite's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon