Chapter 35

20 3 0
                                    

Hindi ko maintindihan ang sakit at hinagpis na nararamdaman ko ngayon. Friendship over na kami ni Kaith, patay na si Ashlee at si Russel. Paano na?

"Kath, walang makakaalam ng mga nangyari kung hindi ang mga nakakita lang" ani ni Gab sa akin.

"A-anong ibig mong sabihin?" ani ko.

"Hindi malalaman ng iba na may namatay dahil tayong mga nakakita lang ang makakaalam, pero sa oras na sabihin nila sa iba ang lahat, maaring mamatay sila sa kahit anong oras" ani ni Gab.

"K-kailangan natin s-sabihin kanila Kaith ang mga iyon" ani ko sabay hawak sa braso ni Gab.

"Wala na sila, umalis na sila" ani ni Gab.

"Babalik ang paaralan na ito sa maayos at tahimik" ani ni Gab.

Magiging normal ang buhay namin ulit ngunit wala si Kaith sa piling ko. Papasok ako at kaya kong makamit ang hustisya ni Russel at Ashlee.

Kinabukasan...

Nakasakay ako sa kotse, habang nakadungaw sa bintana at pinag - mamasdan ang traffic sa labas.

Maayos na ang buhay ko, wala ng bumabagabag sa akin.

Papasok na ako ng gate ng school nang may humawak sa akin sa balikat ko.

Medyo kinabahan ako nun.

"Kath"

Napatalikod ako at nakita ko si Gab.

"I-ikaw pala" ani ko sabay ngiti nang mahagya.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

"Oo" ani ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at nag-lakad na kami papasok ng school.

"Huwag kang mag-alala, andito lang ako" ani niya habang hawak ang kamay ko.

Umupo kami sa may upuan sa may gilid ng field.

Kasama ko si Gab habang hawak niya pa rin ang kamay ko.

"Kath, sana matapos na ang gulong ito" ani niya habang nakatingin sa field.

"Gusto ko ng maayos na buhay kasama ka" ani niya pa.

"Matatapos rin naman ito ah" ani ko. Napatingin naman siya sa akin at napangiti.

"Sana" ani niya.

Sana nga bumalik nalang sa panahon na masaya lang ang kapaligiran.

"Pwede pa ba yun bumalik? Ang dati na masaya pa tayo at inosente pa tayo" ani niya.

"Can we go back to days that we are together?" ani niya pa.

"Sana pwede" ani ko sabay ngiti.

"Pwede pa ba tayong bumalik sa nakaraan kung saan hindi pa natin alam ang problema ng mundo" ani niya.

I felt that too.

Sana nga pwede pang bumalik.

"The hell"

Bungad ng isang babae sa amin ni Gab habang nakaupo kami sa isang upuan sa may gilid ng feild.

Si Zanea.

"Talaga lalandiin mo ang BOYFRIEND ko kapag wala ako" ani ni Zanea at diniin niya talaga ang salitang boyfriend

"Stop" ani ni Gab.

Naiinis nanaman ang mood ko.

"Tama na, Zanea" ani pa ni Gab.

Bloody Red SoulOù les histoires vivent. Découvrez maintenant