January 27, 2020
Ngayon na papasok at magpapakilala yung transferee.
Pagdating ko sa school, bumungad ang lima kong kaibigan.
"Uy Kath" tawag sa akin ni Klaire.
"Bukas na ang sleep over natin" ani naman ni Audrey. Oh shit! Oo nga!!
Pero kailangan ko munang alamin kung ano ang pangalan ng transferee dito.
"Mauna na ako ah" paalam ko kasi kailangan ko munang i-inform kay Prof na yung report is magaganap this January 30.
Naglalakad ako sa hall way ng building 1. Maraming mga estudyante ang nag-rereview at grupo-grupo sila.
Pag-punta ko sa office ni Prof. Agad akong bumalik sa room namin. Nadaanan ko ang silid kung saan ako hinila ni Aldrich at tangkang patayin at doon din ako iniligtas ng guardian angel ko este si Gab Alvarez.
Habang nag-lalakad, biglang may humawak sa braso ko at hinila ako sa may tapat ng silid na iyon.
Oh may gash!
Walang masyadong tao roon.
Medyo mahigpit ang pag-kakahawak niya.
Naka black mask siya, black hoodie, black jogger at black rubber shoes. All black talaga lahat.
Binitawan niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko at tinitigan ako
Masyadong malapit ang mukha naming dalawa. Kulang nalang halikan niya ako eh.
Kalma nga! Kalma!
Naka mask naman siya.
Oh may gash!
Tinanggal niya ang mask niya at mas lalong lumapit ang mukha naming dalawa. Oh may gash!
Di naman ata ako hahalikan neto
Ang lapit talaga. Mapula ang mga labi niya, at deresto lang ang titig niya sa mga mata ko.
Napasandal ako sa may poste. Sobrang lapit kasi eh
Nacorner ako!
Ngayon ko lang na-realize na siya pala yun.
Si Gab Alvarez.
"A-anong gagawin mo?" kinakabahan kong sabi. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Anong nararamdaman ko?
"Kath Dell Velle, right?" ani niya. Ang ganda ng boses niya at wait, paano niya nalaman ang buong pangalan ko?
"Y-yes" sagot ko nalang. Kinakabahan ako.
"I'm with you where ever you are" ani niya. Seryoso?
Stalker?! Ganun
"H-ha?" sagot ko. Ang smooth niya bumanat. Pero he's with me? Anong ibig niyang sabihin? Sinusundan niya ba ako?
Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at may binulong. May gash!
Walang ganung mangyayari! Walang kiss!!
"Remember, I'm with you" ani niya. Hindi ko maintindihan talaga!!!
Dami alam neto!
Napahinga ako ng malalim at nagsalita.
"A-anong ibig mong sa---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang takpan ang bibig ko. Anong ginagawa niya?
"Kath, I'm just here" dagdag niya pa. Hindi na ako nakapag salita. Sino ba siya?
YOU ARE READING
Bloody Red Soul
RandomThere's a student named Andrea. She is a simple, quiet girl. But, she was bullied with her classmates and raped by a teacher in that school. She suffer from depression and commit suicide. She will come back and revenge with the new students in that...