Chapter 8

26 3 0
                                    

"I WILL KILL YOU"

Napatingin ako sa pinto ng silid at tumambad ang isang babaeng naka red dress at naka lugay ang buhok. Masama ang tingin niya sa aming dalawa ni Gab at hawak niya ng mahigpit ang kutsilyo.

Sino siya?

"A-andrea?" gulat na sabi ni Gab.

Andrea?! Andrea Dawson

Andrea? Ang babaeng pinag- samantalahan ni Hermoso Dell Velle?

"Gab, hindi mo kayang patayin ang babaeng yan? Pwes, ako ang papatay!" galit na sigaw ni Andrea.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"A-andrea, w-wag mong sasaktan si Kath" nauutal na sabi ni Gab.

"A-ako n-nalang" dagdag pa ni Gab.

Hindi pwedeng mamatay si Gab!

"S-sige, patayin mo na ako" sagot ko. Ayokong mamatay si Gab. Alam kong nangako siyang kaya niyang ibuwis ang buhay niya sa akin pero hindi ko kayang mawala siya.

"Kath, mamatay na ang lahat wag lang ikaw. Tandaa mo, ako ang mag-sasakripisyo para sayo" ani niya sabay hawak sa kamay ko.

"Gab, hindi kita kayang patayin dahil wala kang kasalanan, ang babaeng yan ang mag-babayad sa ginawa ng kadugo niya" sigaw ni Andrea.

"Kung papatayin mo siya, patayin mo na rin ako" ani ni Gab.

Sobrang lamig ng paligid at nanginginig ang buong katawan ko. Kath, kalma!

"Wala ng silbi ang buhay ko kapag nawala siya" dagdag pa niya. Tumingin siya sa mga mata ko at hinawakan ang isa ko pang kamay.

"Kath, ako nalang ang mamamatay at hindi +ikaw" ani niya sa akin.

Ayokong mawala siya.

"Kapag wala ka na, wala na ring silbi ang buhay ko" ani ko. Ayokong mawala si Gab.

Mahal ko siya.

"Kath, ayokong mamatay ka. Ayokong umiiyak at nag-dudusa ang mahal ko" ani niya.

"Tumigil kayo!" sigaw ni Andrea na nag-hahasik ang mga mata.

"Gab, ako lang ang mamahalin mo!" sigaw pa ni Andrea.

Mahal? Mahal ni Andrea si Gab?

"Maraming atraso ang pamilya nila sa akin" sigaw pa ni Andrea.

Maraming atraso?

"Pati ikaw ay inagaw na rin sa akin!!" sigaw niya pa.

Mahal ni Andrea si Gab?

"Hindi ako papayag na makuha ng babaeng yan ang dapat sa akin" dagdag niya pa.

"Siya yung mahal ko! Si Kath!" ani naman ni Gab habang nakahawak pa rin sa kamay ko. Ramdam ko ang lamig ng kamay niya na kinakabahan.

"Andrea, alam kong nag-hahanap ka ng hustisya na pinag-kait sayo, pero ang idamay ang mga inosente ay isang maling desisyon" ani ko. Napapaluha na natatakot ako sa pag-kakataong ito.

Tila kaba at lungkot ang nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan.

"Inosente? Nang sabihan mo akong stupida? Dinagdagan mo ng rason kung bakit ka dapat patayin" galit na sabi ni Andrea na ngayon ay nakatingin sa akin.

Nasabihan kong stupid at wirdo ang mysterious na story ng babaeng namatay dito. Si Andrea pala.

"Oo, inosente si Kath, wala siyang kasalanan sa mga nangyari sayo. Kung gusto mo gantihan ako, ako nalang ang patayin mo" ani ni Gab.

Bloody Red SoulWhere stories live. Discover now