Chapter 24

24 3 0
                                    

Kagigising ko lang, 6:30 am na kasi at 30 minutes nalang ay mag-sisimula na ang klase.

Hindi na ako nag-almusal at naligo nalang.

Wala rin naman sila mom and dad kaya parang may lamay ang bahay lagi.

"Pasok na po ako" ani ko sa kasambahay namin.

Haaay!

Parang ang tahimik ng araw ko ngayon.

Makulimlim ang kalangitan.

Bakit ganito?

Pag-baba ko ng kotse, wala masyadong estudyante ang nakakalat sa campus at sa field.

Ano bang meron?

Wala pa kasi sila Kaith kaya walang sumalubong sa akin.

7:30 am pa kasi ang pasok nila.

Ang hirap pala kapag wala sila.

Naninibago lang ako.

Kasi dati, sabay ang aming time pero nabago na ito.

Nauuna na ako sa kanila ng 30 minutes.

Pumasok nalang ako sa room at umupo nalang.

Wala rin kasi si Russel kaya medyo sad ako.

Hehe.

"Good morning class"  bati ni Prof. Torres.

"We have a group project" ani agad ni Prof.

Nanaman?

"Nahati na ang groups and it's divided it by different section" ani  niya pa.

"Nahahati sa iba't ibang sections ang lists ng groups" ani pa ni Prof.

"For group 1, Russel Alvarez, Gabrielle Alvarez, and Kath Dell Velle" ani ni Prof.

Ano?! Mag-kagrupo talaga kaming tatlo?

Tinignan naman ako ni Zanea sabay taray.

Ang sarap ilubog sa putek eh.

"Group 2, Kaith Lopez, Brian Ponce, and Luigi Rusuello" ani pa ni Prof. Torres.

Ang lakas maka-love triangle.

Ano ba yang groupings?!

Ewan ko ba kung nangangasar o sadyang nag-kataon lang talaga.

"Group 3, Zanea Belarmino,  Aldrich Fabian and Cev Morallo" ani ni Prof.

Zanea and Aldrich?

Psh!

Tatarayan nanaman ako ng bwiset na Zanea na yan.

"Kaysey Luna, Liam Pabiona, and Faith Razon are the group 4" ani pa ni Prof.

Wewz.

Ang lakas ng comeback.

"Hazel Marchesa, Nathalie Teransa and Audrey Ruwiz are the group 5" ani pa ni Prof.

Buti pa sila mag-kakagrupo samantalang ako, naligaw tapos sa dalawang mag-kapatid pa.

Bwiset.

Malas talaga ako this day.

"Joshua Cortez, Kevin Ramos, and Andrei Bautista are the group 6" ani pa ni Prof.

Nakaka-asar amp.

"Group 7 are blah blah..." pagpapatuloy ng ibang grupo.

"Pwede na kayong magusap-usap ng groupmates niyo" anunsyo ni Prof. Torres.

Bloody Red SoulHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin