Chapter 4

36 3 0
                                    

What?!

Sino ang may pakana nito?

Binuklat at binasa ko ang mga naka sulat sa papel.

'I can see you from behind!'

Yan ang mga naka sulat sa papel na naka palupot.

Creepy na talaga. Si Aldrich ba talaga ang may pakana lahat ng nag-bibigay sa akin ng mga creepy letters?

Una, may sulat na papatayin niya daw ako.

Pangalawa, yung kinulong ako at tangkang patayin ako ni Aldrich.

Pangatlo, itong papel na ibinato sa akin.

Maaring siya nga ang nagmamasid at sinusundan ako?

Para ano? Para patayin ako?

Habang hawak ko ang papel na iyon, biglang may humawak sa braso ko.

Sino nanaman 'to?

Tumingin ako sa taong humawak sa akin at tumambad sa paningin ko si Liam.

"Kath, andito ka lang pala" ani ni Liam na nakangiti. Binitawan niya ang braso ko.

"A-ah b-bakit?" ani ko.

Kalma ka gurl! Kalma

Hala! Oo nga pala, may dinner kami ni Liam. Nakalimutan ko!

"About s-sa dinner" ani niya. Hala!

"Ah oo nga pala, sorry nakalimutan ko" ani ko na may konting plastic na ngiti. Tsk! Masyado akong na-curious kay Gab Alvarez at kay Aldrich.

"Halika na" ani niya sabay ngiti. Sumama nalang ako.

Habang naka upo kami at nag- hihintay ng food, natanong ko sa kaniya ang new transferee ng school. Posibleng alam niya dahil isa rin siya sa top students dito.

"Ah, L-liam, alam mo ba ang pangalan ng new transferee ng school?" ani ko. Kinakabahan ako.

"Ah yes, si Ga----" hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang biglang dumating ang pagkain. Tsk! Sayaaang!!!

"Your order ma'am and sir" ani ng waiter habang nilalagay ang mga pagkain sa mesa namin.

Wrong timing!

"Ah a-ano nga pala ang sasabihin mo?" tanong ko. Baka ituloy niya ang sasabihin niya at ma-mystery solved na!

"Ga---" hindi niya nanaman natuloy dahil biglang umubo siya at nabulunan. Uminom siya ng tubig sabay ubo ulit. Tsk! Sayang na!

"Ah sige, sorry. Bawal nga pala mag-salita kapag full yung mouth" ani ko at tumawa ng konti lang. Tsk! Wrong move!

"Okay lang..." ani niya sabay ubo ulit. "...CR lang ako ah" ani niya sabay tayo.

Malalaman ko rin kung sino si Gab Alvarez at kung sino ang mga nag-bibigay ng mga creepy letters.

Investigation

Si Gab Alvarez at ang sinasabing Gabrielle ay posible iisa. Malapit ang pangalan nila.

Si Aldrich naman ang posibleng may pakana sa mga letters na natatanggap ko.

Tama! Posible ang mga investigation ko!

Paano ko masisiguro yun?

Tsk!

"Woi! Anong sinusulat mo?" singit naman ni Nathalie. Ginulat mo ako dun ah

"Wala" ani ko sabay tago ng note book ko sa bag ko.

Bloody Red SoulOù les histoires vivent. Découvrez maintenant