Chapter 27

33 3 0
                                    

Andito kami sa gitna ng gubat at hawak pa rin ang kamay ni Russel. Nag-aayos na kami ng tent.

Hinila naman ako ni Russel at tinitigan ako.

"Pwede ka bang makasama?" tanong niya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Di ko gets

"O-oo naman...saan  ba tayo pupunta?" sagot ko na may halong pagtataka yung tono

"As my girlfriend, my future fiance, and my future wife" banat niya at ngumiti.

Kasama ba to sa plano?

"Baliw ka ba?" sagot ko at natawa nang bahagya. Hindi ko lang magets.

"Russel, kayo lang talaga ang mag-uusap diyan?..." tumingin muna sya sakin pero umiwas na ako ng tingin at bumalik naman ang tingin nya kay Russel. "...Kung gusto mo halikan yan, wag sa harap ko" singit naman ni Gab. Sabay kaming napatingin ni Russel kay Gab.

"Kuya, she is my girlfriend, and I can do anything" sagot niya sabay hawak ng kamay ko at pakita sa kaniya.

"Pero wala kang karapatang solohin yan" sagot naman ni Gab na seryoso pa rin.

"She. is.my.girlfriend..." sagot pa ni Russel. Diniin nya talaga yung sinabi nya. "...Gusto ko siya kasama as MY GIRLFRIEND" ani pa ni Russel at diniin talaga ang word na my girlfriend.

"Fine" sagot nalang ni Gab sabay talikod.

"Kung may gusto ka kay Kath, sorry, huli ka na" ani pa ni Russel. Dahil sa sinabi ni Russel, napalingon naman si Gab at napatingin sa amin.

"Wala na akong gusto sa babaeng sumira sa akin" sagot niya at bahagyang tumingin sakin.

Wag na paalala.

"Kung wala, edi wag mo na kaming sirain pa" sagot naman ni Russel. May tonong galit sa pananalita nya.

Away na ba this?

"Kung plano niyo lang akong pag-selosin, pwes, bigo na kayo" ani pa ni Gab.

Hala! Bigo na kami?

"Hindi ka namin pinapag-selos, mahal ko lang talaga si Kath" sagot nanaman ni Russel. Mas lalong sumeryoso ang mukha ni Russel.

"Huwag masyadong scripted ang landian niyo" ani pa ni Gab. Tumaas na rin ang tono ng pananalita nya.

"Scripted? Sa akin na si Kath at wala na sayo, tatandaan mo yan, kuya..." diin ni Russel. "...At isa pa, ako ang minahal niya kaya wala kang karapatang hadlangan yun" ani pa ni Russel.

"Sige, patuloy nyo...pero Russel, tandaan mo, kuya mo pa rin ako kaya wag mo akong sasagutin nang ganyan..." ani pa ni Gab. "....Isa pa, Russel, pwedeng ang babaeng yan ang sisira sayo" ani niya pa.

"Wag na wag mong idadamay ang girlfriend ko" ani naman ni Russel. Tinaas nya na rin ang tono ng pananalita nya.

Kinakabahan ako.

"Sinsabi ko lang ang natutunan ko" sagot naman ni Gab sabay talikod.

"Tama na, Russel" ani ko kay Russel sabay hawak ng kamay niya. Parang balak nya pa kasing sagutin si Gab.

"Kuya ko siya pero hindi ako papayag na sirain ka niya sa harapan ko" ani sa akin ni Russel. Galit na galit sya.

"Pag-papanggap lang naman ito, hindi ba?" ani ko kay Russel.

"Pwede bang totohanin na natin? Masyado na akong nahulog sayo eh" sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko.

"H-ha? P-pero—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mag-salita siya.

Bloody Red SoulWhere stories live. Discover now