Chapter 14

25 3 0
                                    

Napapikit nalang ako sa mga oras na ito.

Mahal kita, Gab.

Nang dumilat ako, tumambad sa akin ang kisame at naka-higa ako sa kama.

Ano na nangyari?

Panaginip lang ba ang lahat?

Nakits ko si Kaith na naka-upo sa sofa at nag-cecell phone.

Totoo ba ang mga nangyari?

"Oh, Kath, gising ka na pala" ani ni Klaire sa akin habang hawak ang isang baso na may gatas.

Sandali? Bakit? Ano? Paano?

"Natuloy ba ang ghost hunting natin?" tanong ko agad sa kanila.

Di ko na maalala yung sunod na nangyari.

Baka panaginip nga lang talaga ang lahat.

"Hindi na" sagot ni Nathalie.

Hindi? Eh ano yung nangyari? Si Gab?

"Baliw ka ba? Diba nga, hindi na natuloy kasi hindi tayo nagising" ani naman ni Audrey.

Paanong?

Hindi natuloy?

Ibig-sabihin hindi totoo ang mga nangyari.

Ibig-sabihin...

Panaginip

Panaginip lang talaga ang lahat.

"N-nasaan si Gab?" tanong ko pa.

Naguguluhan ako.

Totoo ba talaga ang mga sinabi ni Gab?

Totoo kaya siya?

Ano ba nangyari?

Totoo kaya ang mga nalaman kong katotohanan?

Prank ba to?

Totoo kaya si Andrea?

Totoo kaya ang lihim na istorya ng paaralang ito?

Totoo kaya na ginahasa ni Hermoso Dell Velle si Andrea Dawson?

Totoo kayang patay na si Aldrich at Liam?

Totoo kayang may kakambal si Gab?

Totoo kaya ang lahat?

"Who the hell is Gab?" ani naman ni Kaith.

Nagkita sila.

Hindi nila kilala si Gab?

"Hindi ba, Kaith, nakakita ka ng multo sa CR" ani ko pa.

Aligaga pa si Kaith noon.

Naguguluhan na ako.

Hindi kaya totoo ang lahat?

"A ghost? Really? Are you crazy?" sagot naman ni Kaith.

Tinawanan ko pa nga siya noon.

Ibig-sabihin hindi nga totoo ang lahat.

Walang Gab ang nag-eexist.

Sandali lang, asaan kaya si Aldrich?

"Guys, kailangan ko nang umalis" nag-mamadali kong sabi sabay takbo sa banyo.

Aalamin ko yung sagot.

Kung buhay pa si Aldrich, ibig-sabihin walang katotohanan ang lahat.

Walang Andreang nag-eexist.

Bloody Red SoulNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ