Chapter 5: Thou shall not surrender

Start from the beginning
                                    

Nakita ko ang pagtahimik ni Nic na para bang nag aantay ng sagot ni Jake, pero wala kaming nakuhang sagot kung hindi ngiti lang.

Nagpasya na kaming bumaba dahil naging tahimik na ang lahat na parang naging awkward dahil sa kadaldalan ko.

Pagbalik sa cottage naisipan ko ilagay sa ihawan ang barbeq at hotdog para maluto.

Habang abala ako sa pag paypay sa aking iniihaw lumapit sa akin si Jake dala ang kaldero na may lamang sinigang.

"Anong gagawin mo kuya?" tanong ko

"Iihawin ko yung kaldero hehe." Sumimangot ako sa sagot niya.

"Iinit ko lang yung sinigang." Sagot niya uli sa akin habang ipinupwesto ang kawali sa malaking ihawan.

Hindi siya umalis sa tabi ko kahit na nailagay na niya yung kaldereto, at tinulungan pa niya ako sa pag iihaw.

Tahimik lang kaming dalawa at hindi ako nakatiis na hindi mag tanong.

"Kuya may anak kanaba?"

"Wala."Tipid niyang sagot.

"Ehh asawa?"

"Wala rin."

Hindi ko alam pero natutuwa ako sa sagot niyang walang kakwenta kwenta. Nagpatuloy ang kwentuhan namin sa harap ng ihawan.

Nalaman ko na 27 na siya, nagtatrabaho bilang medical representative sa isang malaking kumpanya ng gamot for six years, at balak niya daw kumuha ng masters degree kung magkakaroon ng pagkakataon.

Habang nag uusap kami naalala ko itanong kung sino yung batang kasama niya sa picture niya sa facebook.

"Kung wala kang anak, sino yung batang lalaki na kalong kalong mo sa fb?"

"Huh? alin dun? yung nasa beach?"

"Uo, yun nga ata, anak mo ata yun eh, baka naman may asawa ka huh tas dinedeny mo."

Alam ko naman na wala siyang asawa dahil nasabi na nga sa akin ni Nic na he's single. Pero gusto ko lang ulitin at marinig galing mismo sa bibig niya, at hindi ko maitatangging sobrang curious ko talaga.

"Inaanak ko yun, anak ng batchmate ko nung college, barkada ko parehas tas sila nagkatuluyan syempre kinuha akong ninong, wala akong asawa o karelasyon Ate." Saad niya na nagpakuntento sa akin para maniwala sa kanya.

Natapos na kami sa pag iihaw at bumalik na sa mga kasama namin na ngayo'y mukhang tinatamaan na talaga ng alak. Lumalalim na ang gabi pero patuloy kami sa kulitan at lokohan.

"Be alam mo 6 years na single si Jake, hindi na raw nag gf after nila maghiwalay nung last niya." kwento ni Chell sa akin

"Talaga, baka naman mahal pa kasi niya yung girl." Kunwaring wala pa akong alam. "Saan mo ba nalaman?" Pahabol tanong ko pa.

"Di ko na maalala kung san, basta narinig ko lang." Sagot niya sa akin.

Lalo akong naging interesado kay Jake at hindi ako titigil hanggang hindi ko nalalaman. Pinapangako ko sa sarili ko. Hindi ko pa sigurado bakit masyado akong curious sa katauhan niya pero sadya sigurong mahilig akong umalam ng mga bagay bagay kagaya nalang ng kay Ryan noon.

Pag dating ng mga alas tres ng madaling araw ay nag paalam na sila Chell na uuwi na dahil malayo pa ang byahe nila kumpara sa'amin idagdag pa ang pagod na si Jake dahil puyat at kailangan pa magmaneho.

Pag kaalis nila nag umpisa na rin kaming mag ayos at nasa byahe na si Tatay para sunduin kami.

Pag dating ng bandang alas kwatro napansin ko na tulog na silang lahat, mga mukhang pagod at lasing na lasing kaya ginawa ko ang paborito kong gawain, ang picturan ang mga mukha nilang tulog.

Wala akong pinalampas kahit isa, bukod kay Jay na tinakpan ang kanyang mukha ng jacket dahil alam na alam na niya ang gawain ko dahil kinder palang ay magkakilala na kami.

Pagdating ng ala sais ay dumating na ang sundo namin at nagbyahe na kami pauwi, kanya kanya narin sila ng pagpara sa sasakyan kapag malapit na sa kani kanilang bahay.

Nag desisyon si Nic at iba pa naming kaibigan na dito sa bahay matulog.

Si Nic ay sa kwarto ko natulog, habang ang iba ay sa guest room ng bahay.

Nakatulog na ang lahat pag dating sa bahay, habang ako naman ay abala sa pag lalagay sa ref ng mga natirang pagkain.

Natapos ako bandang alas nuebe at pumanhik na sa kwarto ko, humiga at nagbasa ng mga text kabilang na ang ilang palitan na text sa pagitan namin ni Jake na nagpa salamat sa pag imbita ko sa kanya.

Pumikit na ako I think  he is nice and hot and that damn tattoo on his collarbone, I was attracted to what is written on it. Thou shall not surrender daw let me see kung hindi niya kayang magsurrender.

Perfectly Imperfect (Editing)Where stories live. Discover now