Chapter 56

3.4K 93 0
                                    

Umaga ng ika-31 ng Disyembre nang pumunta kami ni Seija sa 9th Avenue para kumuha ng ingredients. Sa bahay namin siya magse-celebrate ng New Year at kaming dalawa ang naatasan sa pagluluto ng mga pagkain.

"Good morning, Chef!" kumunot ang noo ko nang lumapit sa amin ang isang maganda at sexy'ng babae.

"Good morning, Dona." Hinawakan ni Seija ang kaliwang kamay ko. "I want you to meet my fiancé, Harmony."

The woman smiled sweetly at me. "It's nice to meet you, Miss Harmony! I'm Dona, the restaurant's manager."

"It's nice to meet you too, Dona," tinanggap ko ang kamay niya at ngumiti pabalik.

Nagpaalam kami kay Dona at pumasok na sa kitchen. Napahinto ang mga chef at ilang staff nang nakita ako. Ipinakilala ako ni Seija sa kanila at nasiyahan silang lahat nang nalaman na fiancé ako ng boss nila.

"Ito na 'yung mga kailangan mo, Sir..." ani Jack, ang sous chef.

Nagpasalamat si Seija at pinabalik na si Jack sa naiwang trabaho. Binuksan niya 'yung malaking kahon. "Ipinasabay ko sa delivery kanina 'yung mga gagamitin natin sa bahay niyo. May wagyu rin dito para sa 'yo..."

He chuckled as I glanced down at the box excitedly. Hmmm, magsasawa ako sa wagyu mamaya!

"Thank you!" tumingkayad ako at hinalikan ang kanyang pisngi.

Umubo ang mga kasama namin sa kitchen. Uminit ang pisngi ko at nagtago sa likod ni Seija na sobrang lapad ng ngiti dahil sa ginawa ko.

Upang matakasan ang hiya, inilibot ako ni Seija sa kitchen. Napag-alaman ko na shareholders pala sina Jeremiah at Maru. Hindi kasi halata, eh.

"Pero chef rin sila, 'di ba? Sa office lang ba ang trabaho nila?" tanong ko.

"No. Like me, they work as the executive chef for the 1st and 5th Avenue. Hawak ni Maru ang 5th Avenue, at ang 1st Avenue naman ang kay Miah."

I nodded and licked my lips. "Ah... But what's with the avenues?"

"Nothing. Naisip ko lang," sagot niya at binalikan ang kahon.

Sumunod ako sa kanya kahit palaisipan pa rin sa akin kung bakit iyon ang naisip niyang ipangalan sa mga restaurant. Kahit sa biyahe namin pabalik sa Makati ay nag-iisip pa rin ako. Ah, basta. Sina Jeremiah na lang ang itatanong ko.

Pagdating sa bahay ay naghugas ako ng mga kamay bago sumalampak sa sofa. Si Seija ay dumiretso sa kitchen dahil magluluto pa ng breakfast. Tinabihan ako ng bagong gising na si Trina. Yumakap siya sa baywang ko at pumikit.

I smirked. "Puyat na puyat, ah? May late night session na naman kayo ni Kimpoy?"

"Baliw! Wala," humiga siya sa mga hita ko at binuksan ang TV.

I smiled secretly. Fine, then. Dumukwang ako para maabot 'yung magazine. Nagbasa-basa muna ako dahil maaga pa naman. Sina Mommy at Ate Symphony ay natutulog pa. Sina Daddy, Kuya Tristan, Kuya Arthur, at Kimpoy ay nasa pool area at inihahanda 'yung sangkatutak na fireworks.

"Harmony..." Trina looked up at me. "Anong gift sa 'yo ni Sean no'ng Christmas?"

"Sarili niya..." Humagikgik ako. "Joke lang! Wala, eh. Pero okay lang."

Walang imik si Trina. I felt like Kimpoy didn't give her a gift too...

I closed the magazine and gazed down at her. "Bakit mo natanong? Eh, ikaw? Anong regalo sa 'yo ni Kimpoy?"

Bumangon si Trina at umupo. Napakamot siya sa ulo at ako naman ay kunot-noong naghihintay sa isasagot niya.

"Ano kasi, uh..." She swallowed hard. "May nangyari sa 'min pagkagaling sa kasal nina Maribel at Jeremiah."

Always Coming Back (Chasing Dreams Series #2) [COMPLETED | Wattys2020]Where stories live. Discover now