Chapter 5

6.2K 184 5
                                    

Naka-salubong namin ang dalawang nurse na kumuha ng blood pressure ni Mommy. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang sikuhan nila habang nakatingin sa kasama ko.

"He's so gwapo!" Narinig kong sinabi ng isa.

Wow. Wow. Wow just wow! Umirap ako. Hmp! You're so conyo!

Si Seija ang nagbukas ng pinto. Napa-hinto sina Mommy at Daddy sa kanilang ginagawa. Nilalagyan niya ng kumot ang Mommy ko na nakahiga na ngayon. Si Hailey naman ay nag-e-enjoy lang sa tabi habang kumakain ng chow mein. She was doing that to mock me!

"Where have you been?" Daddy's deep voice made me jump. Nakatingin siya kay Seija kahit sa akin niya iyon itinanong.

Bumaba ang tingin ni Mommy sa mga kamay namin na magkahawak pa rin pala.  Binawi ko iyon at itinago sa aking likuran. Pagkatapos ay sinilip niya ang mga paa ko at ang mga paa ni Seija.

"Your daughter went outside with me, Sir. I'm sorry," ani Seija.

Daddy's lips were formed into a thin life. May multo ng ngiti naman sa labi ni Mommy. I'm not sure kung ngiti nga ba iyon.

"You're my daughter's roommate, am I right?" Tumango si Seija. "Do you two sleep together?" Ano ba namang tanong 'yan, Daddy?

Biglang inubo si Hailey. Nabilaukan na 'ata sa kinakain niya. Nginisian ko siya.

"No, Sir. But we eat together, watch the television together, wash the dishes together... We're doing the normal things that the roommates should do."

Wala na akong pakialam kung nakita ng mga magulang ko ang paninikong ginawa ko kay Seija. What the hell was that!?

Tumango si Daddy. "Get up, Melody. We have a meeting with our lawyer, remember? We don't wanna be late. We have to go."

Hindi naman umangal si Mommy. Lumapit siya kay Hailey para kunin ang dumplings. Babaunin niya 'ata. Ngiting-ngiti si Mommy. Mukhang masaya pa siya dahil aalis na sila!

"Babalik kami mamaya, anak. Baka isama namin ang Ate mo. Magpahinga ka lang muna dito. May magbabantay naman sa 'yo," nginitian niya si Seija.

My smile never reached my eyes. What was that again? Isasama niya si Ate?

Mommy and Daddy gave me a hug. Gano'n din ang ginawa nila kay Hailey. Bago sila lumabas ay nagawa pang tapikin ni Daddy ang balikat ni Seija.

Pinakawalan ni Hailey ang kanyang tawa nang nasigurong wala na ang mga magulang ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Nag-martsa ako pabalik sa aking higaan.

"Approved na ba kay Tito?" Tanong niya habang lumalapit sa akin kasama ang mga pagkain niya.

Sinundan namin ng tingin si Seija. Pumasok siya sa comfort room. Ngumuso ako at hinirap si Hailey.

"Seija's being nice, Hailey. 'Wag mong bigyan ng kahulugan 'yon."

Mukhang wala siyang narinig. Tumayo siya at inayos ang overbed table. Pagkatapos ay inilagay niya doon ang mga pagkain ko.

"Maybe you're just denying it, but I know you could feel it, too. Hindi ka naman manhid 'di ba?"

She's right. Pero maaga pa para isipin iyon. Hindi ko nga alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Seija at ayaw ko itong alamin. This might hurt me so I'd better get my shit together before I lose myself.

"Kumain ka na nga lang, Harmony. What I've said was wrong. And I'm sorry for that," aniya. Bumalik siya sa upuan sa gilid at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Don't be sorry, Hailey. You were right. I could feel it, but it's too early to conclude." Umirap siya, pero ngumiti rin.

"Let's just eat, Harmony," gamit ang chopsticks ay binawasan niya ang sweet and sour pork ko.

Always Coming Back (Chasing Dreams Series #2) [COMPLETED | Wattys2020]Where stories live. Discover now