Chapter 52

3.2K 96 1
                                    

Walang dumating na kamag-anak sina Fabian at Aling Norma kaya apat na araw lang ang itinagal ng lamay. Bilang respeto sa pamilya, napagdesisyunan naming ilagak ang mga labi nila sa Manila North Cemetery upang makasama ng mag-ina si Mang Crispin.

Dalawang araw bago mag-Pasko, saka ko pa lang naisipang mamili ng mga regalo para sa aking pamilya, mga kamag-anak, mga kaibigan, mga ka-trabaho, at sa mga ikakasal. Seija was my chaperone today and I was so glad that I didn't hear any complaints from him. Sa totoo lang, nag-enjoy siya sa pagsho-shopping lalo pa't kinailangan ko ang opinyon niya sa maraming pagkakataon.

"Are you sure you're still going—"

Humarap ako at tinakpan ang bibig niya. "I am! Let's just give this special day to Maribel, shall we? Isa pa, may bachelor's party rin naman na hinanda para kay Jeremiah mamaya, ah? Y'all going to have fun for sure."

Isinalpak niya 'yung mga paper bag sa passenger seat ni Cotton. At dahil nakatayo ako sa tapat ng pinto, ikinulong niya ako gamit ang kanyang mga braso. Napako ang tingin niya sa mga mata ko, pababa sa mga labi ko, hanggang sa muli niyang ibinalik sa mga mata ko.

"I'll have fun, but I won't forget to behave myself. You better do the same thing 'cause you don't want me to take the door down..." Idinikit niya ang katawan niya ng husto sa akin at hinalikan ang panga ko. "Are we clear, Harmony?"

Nakakalasing ang mga halik niya at ang tinig niyang nang-aakit. Lumunok ako at sinikap na panatilihing nasa huwisyo ang sarili dahil kung hindi, buo sa loob kong tatakasan ang responsibilidad ko sa hotel.

"Yes, I'll keep that in mind but..."

Hinawakan ko ang mukha ni Seija para hindi na lumapat ang mga labi niya kung saan-saan. Bitin na bitin siya, pero 'pag ganitong nagmamatigas ako, wala siyang magagawa.

"...Let me go for now. Kanina pa ako hinahanap ni Ate Maxine. Kailangan niya ang tulong ko."

He sighed in defeat. Umangat ang gilid ng labi ko at kumalas na sa kanya. I gave him a peck before I got inside the car. Then I started the engine and rolled the window down.

"Mag-ingat ka, ah? Have fun!"

"You, too..." Kinatok niya ang bintana. "Sige na... I'll watch you go first. See you later," aniya at nilapitan ang sariling sasakyan katabi ng sa akin.

Ngumiti ako at itinaas na ang bintana. Inapakan ko ang gas at pinagmasdan ang lumiliit na imahe ni Seija sa side view mirror. Nang nakalabas sa parking area ng mall, tinawagan ko ang numero ni Ate Maxine upang ipaalam na papunta na ako sa hotel.

Upon arriving in Max Grand Hotel's Tower 2 basement, I saw Blondie went out of her car. Inabot ko ang aking bag at ang kahon na may lamang regalo. Bumaba ako at binuksan naman ang pinto sa passenger seat at inilabas ang maliit na maleta. Pagkatapos kong i-lock si Cotton, tumungo ako sa lift at sa tapat niyon ay nakatayo ang kapatid ni Jeremiah.

Tiningnan niya ako ng pailalim. "Paunahin mo akong sumakay."

"Anyone can use the lift..." mahinahon kong sagot.

"So?" Humalukipkip siya. "VIP guest ako dito, Harmony. Karapatan kong gamitin ang lift. At 'pag sinabi kong gusto kong mag-isa, iyon ang masusunod."

"So am I. Pero hindi ako umaarte at nagmamayabang ng ganyan..." Nginisian ko siya. "Seriously? What are you bitching about? Kung ang ipinaglalaban mo ay ang pagsakay mo ng mag-isa sa lift, eh, 'di sumakay ka mag-isa. This selfish action of yours shows how pathetic and self-centered you are..."

"What did you just say?" angil niya, mukhang gusto pa akong saktan.

Pababa na 'yung lift kaya inilayo ko ang tingin sa kanya. "Do I need to repeat myself over again so that empty brain of yours could understand that the world doesn't revolve around you?"

Always Coming Back (Chasing Dreams Series #2) [COMPLETED | Wattys2020]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon