Chapter 54

3.5K 104 4
                                    

No one was cutting onions, but everyone was crying when Maribel and Jeremiah read their vows. It was so sweet, pure, and sincere that made it impossible for us to keep a straight face.

"Ate, don't cry too much..." I warned my sister who was sitting beside me.

Inilabas niya ang hinandang tissue saka ako nilingon. "I can't help it, Harise. Hayaan mo na ako."

Tumahimik na lang ako at binaybay ng tingin ang row namin hanggang sa makarating sa kabilang bahagi. And there he was... My man seemed to know what was going on my mind 'cause he was already staring at me. Ngumiti siya at itinuro ang pari kaya itinuon ko ang aking atensyon sa altar at nakinig sa sinabi nito.

By the time the priest pronounced Jeremiah and Maribel as husband and wife, hindi na kami mapakali lalo pa't ang kasunod niyon ang pinakahihintay naming lahat.

"Jeremiah, you may now kiss the bride..." said the priest and cheered him up.

Ngiting-ngiti si Jeremiah nang iangat ang veil ni Maribel. Nagkakagulo pa sa pwesto nina Seija dahil pinapaulanan nila ng tukso si Jeremiah.

"Don't be shy, dude! Ipakita mo kay Maribel 'yung pinaghirapan mo ng buong isang linggo!" hirit ni Rajon at kung hindi lang naalala ni Jeremiah kung nasaan kami ngayon ay ginantihan na siya.

Namilog ang mga mata ni Maribel. "What? Kanino siya nag-practice?"

Humagalpak kaming lahat dahil dito pa 'ata magaganap ang unang pag-aaway ng mag-asawa. But Jeremiah couldn't wait anymore. Walang pasubali niyang hinalikan ang bumubulong na si Maribel na para bang naglaho kami at silang dalawa lang ang natira.

We gave them a round of applause. Mas lalong lumala ang pang-aasar nina Seija na talagang sinakyan pa ng mga kamag-anak ni Maribel.

"May honeymoon pa, hoy!" ani Seija sa walang paawat na si Jeremiah.

Pinunasan ko ng tissue ang gilid ng mga mata ko. Huminga ako ng malalim sapagkat ayaw ko namang sumakit ang tiyan ko mamaya nang dahil sa kakatawa.

Tumagal pa kami sa simbahan ng tatlumpung minuto dahil sa picture taking. Sa sasakyan ako ni Seija sumabay at habang nagmamaneho patungo sa MGH ay hawak niya ang kaliwang kamay ko.

"Are you happy?" he asked after he kissed the back of my hand.

Tumango ako. "I am so happy for my friends, Seija. Who would've thought that Miah would change for the better when he met Maribel? Sa nakikita ko kasi noon, parang wala siyang pangarap sa buhay. Pero tingnan mo naman ang nangyari ngayon, 'di ba?"

"I know that you're happy for what he's become. But I was asking about you. Are you happy?" seryoso at bumaba ang boses niya. Lumalim rin ang tingin niyang kanina pa hindi maialis sa mukha ko.

My eyes crinkled as I smiled at him. "Of course, Seija. I'm happy whenever I'm with you, as long as we're together..."

"Damn. I love you," hinalikan niya ulit ang kamay ko at nakangiting ibinaling ang tingin sa kalsada.

Halos magkasunod lang ang pagdating namin ni Seija at ng van na sinasakyan ng pamilya nina Tita Melanie sa Max Grand Hotel. Naunang bumaba si Kuya Azure karga ang natutulog na si Isla; inalalayan niya rin sa pagbaba si Ate Maxine. Sunod na lumabas sina Tito Michael at Tita Melanie na halatang ngarag pa sa flight nila kahapon. Magkasalubong naman ang mga kilay ni Kuya Marcus nang akayin ng mga magulang papunta sa amin ni Seija.

"Harmony, my dear! Merry Christmas! Ang blooming mo, ah?" bungad ni Tita Melanie bago bumeso. Masaya niya ring hinagkan si Seija pagkatapos namin silang batiin.

Always Coming Back (Chasing Dreams Series #2) [COMPLETED | Wattys2020]Where stories live. Discover now