Chapter 47

2.7K 107 1
                                    

Today is Thursday. Ang flight ni Doug na sinasabi niyang sa Friday ay ngayon pala. Sa kasalukuyan ay nasa himpapawid na ang eroplanong sinasakyan niya. Bago ako umalis sa dance studio kahapon ay sinabi ko sa kanyang ihahatid ko siya sa airport, pero hindi na raw kailangan. As for the the building and the dance studio, ibinigay niya kay Dhebie ang lahat ng shares niya.

I thought he'd ask me to go with him. I thought we'd have one last fight before our sad and painful ending. It's true that I doubted his character; I forgot that he was so warm and calm when I first met him—even when we were still together. Iyon nga lang ay mas napadalas ang aming pag-aaway at lumabas ang pagiging agresibo niya bago kami nauwi sa hiwalayan.

Like I said, I would never blame him for that. But we both wanted to be free. I knew that he bought that one-way ticket months ago. I knew that he'd choose his career over me. I knew that he'd leave me for good. And all I could do is to support him and wish him all the best.

Wala kaming pinagsabihan na naghiwalay na kami. Ngunit ang biglaan niyang pag-alis ay ikinagulat ng mga ka-miyembro niya. Siguro naman ay may ideya na sila sa totoong nangyari sa aming dalawa...

Bumangon ako at sumandal sa headrest ng ilang minuto bago nagpasyang at kumain at maligo.

I decided to wear a long hot pink coat over a black turtleneck, tucked in a black leather pencil skirt. I even wore a blue phyton printed pointed toe ankle boots to add more details. Nilagay ko naman ang crystal flower brooch pin sa kaliwang parte ng aking coat.

Natapos ako sa pagme-makeup at suklay na lang ang kailangan nang pumasok si Mommy sa aking kwarto. She took the hairbrush from me.

"Ang ganda mo, anak..." She smiled as she brushed my hair. "Ngayon talaga ang unang araw mo sa firm. And I just want you to enjoy and make it easy for you as much as possible. Kaya naman napag-desisyunan namin ng Daddy mo na i-hire si Kimpoy bilang driver at bodyguard mo."

Tiningnan ko ang repleksyon niya sa salamin. "Po? Hindi na kailangan, Mommy. At saka bakit si Kimpoy?"

"Bakit hindi? He's a trained bodyguard after all. He knows how to drive. Wala lang kaming maipagawa sa kanya kaya binantayan muna niya 'yung gate. And so, stop complaining."

Kung gano'n, wala na akong magagawa. Mas gusto ko si Kuya Arthur, pero okay rin naman si Kimpoy.

Mommy tied my hair in a low ponytail. May pahabol pa siya nang sumakay ako sa kulay-puting Lexus RX na binili nila ni Daddy para sa akin. This was delivered yesterday. Ngumuso ako at dinungaw si Cotton ko...

"Isiningit ni Pinky sa schedule mo 'yung launch mamaya. Make sure na makakapunta ka, ah? This is important for your cousin."

I nodded and kissed her cheek. "Of course, Mom. I'll be there."

"Okay! Pinadala ko na 'yung wardrobe mo sa office para makapili ka ng isusuot mo mamaya! But that outfit of yours will do! You're so extra and I love it!" she giggled before she went inside the house.

Ngumiti ako at isinara na ang bintana. Tumikhim si Kimpoy kaya napatingin ako sa kanya. Man, he's wearing his uniform and I'm not used to seeing him like this.

"Good morning po, Ma'am!" he greeted and his braces appeared.

Paano kung sinuntok siya sa bibig niya? Pero in fairness, ah? Ang gwapo ni Kimpoy. Moreno; matangkad; naka-clean cut ang buhok; nangungusap ang mga mata; medyo matangos ang ilong; maninipis ang mga labi, at katamtaman lang ang pangangatawan.

"Good morning, Kimpoy. Nag-breakfast ka na ba?" tanong ko.

"Hindi pa nga po, Ma'am, eh. Pero may pinabaon na sandwich at kape si Trina,—" natahimik siya bigla.

Always Coming Back (Chasing Dreams Series #2) [COMPLETED | Wattys2020]Kde žijí příběhy. Začni objevovat