Chapter 58

3.5K 96 1
                                    

Panibagong araw, ngunit para pa rin akong nakalutang sa alapaap. Ayoko sa baku-bakong daan, pero hindi ako nagreklamo nang nadaanan iyon ng aming sinasakyan. I even rested my head on the window and sighed as I watched the birds in the sky.

Pinisil ni Seija ang aking ilong. "We're here, weirdo..."

See? I didn't notice that the car had already stopped. Seija opened the door for me and I smiled as I breathed in the fresh air.

"Si Taylor Swift o ako?" taas-kilay niyang tanong.

"Si Taylor Swift," walang preno kong sinabi.

Nalukot ang mukha niya. Humagalpak ako ng tawa at hinila ang kamay niya. Sinundan namin si Felipe. Nasa likuran namin namin ang driver, tatlong kasambahay, at mga bodyguard.

"Careful, Harmony..." hinawi ni Seija ang bitbit na extra'ng payong ng isang kasambahay na muntik nang sabitan ng burgundy pleated midi skirt ko.

Pumatak ang ulan at kahit pinapayungan na ako ni Seija ay nabasa pa rin ang suot kong gray turtleneck. Even the pair of red leather boots wasn't able to avoid the muddy part of the road we just stepped on.

"I'm sorry. Wrong timing ang pagpunta natin dito," ang lumabas sa bibig ni Seija nang balingan ko siya.

I smiled, shaking my head. "Kung hindi ngayon, kailan pa?"

He smiled and we both faced the vast building complex that used to be the residence of the King of Spain—now a resting place for the previous kings.

We went straight to the Royal Pantheon, inside El Escorial palace, an octagonal Baroque mausoleum made of marble where all of the Spanish monarchs have been buried. Ayon kay Seija, tatlo lamang sa mga namumo sa Spain ang hindi nakahimlay dito.

He let go of my hand and he let me wandered around. Manghang-mangha ako sa nakikita dahil bukod sa ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita ako ng libingan ng mga hari, ang katotohanan na kadugo sila ni Seija ang lubos na nakapagpataas ng mga balahibo ko. And he wanted to pay respect by introducing me to them!

Imagine if his father were a prince...

Nilingon ko siya. With his hands inside his pockets, he was standing on the other side of the room and watching me intently. Pumihit ako at naglakad patungo sa kanyang direksyon. Lumambot ang ekspresyon sa mukha niya at inangat ang mga braso sa ere. Bumilis ang paghakbang ko at nang naabot ang destinasyon ay pinunan ko ang espasyong mainit na bumalot sa aking katawan.

"Hey, what's wrong?" he noticed that I sticking like a super glue.

Idinaan ko sa ngiti ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. "I'm just so glad that you're Sean Jacob Gutiérrez..."

"I am..." He chuckled softly. "I am your man, Harmony."

You are, Sean. You, from the very start; you, 'til the end.

El Escorial palace is just outside of Madrid. Seija and I didn't have any plans so, we're just going to roam around the city before we go back to Barcelona.

Katatapos ko lang makipag-video chat kay Ate Symphony. My family's already in Germany. Aside from them, naroon rin sina Manang Minda at Trina at ang mag-asawang sina Kuya Arthur at Betty. Technically, they're not newlyweds 'cause they got married in Hong Kong and they kept that secret from us until New Years's Day.

"Harmony..." Seija called me 'cause I was daydreaming about Kuya Arthur and Betty's wedding.

"Hmmm?" Then I looked at him. "Sorry. Masaya lang talaga ako para kina Betty. They both deserve each other. And I heard Mom planned a surprise wedding ceremony for them in Germany!"

Always Coming Back (Chasing Dreams Series #2) [COMPLETED | Wattys2020]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon