Chapter 29

2.7K 102 5
                                    

Pinunasan ko ang dumi sa mga pisngi ko habang tinitingnan ko ang dalawang oil painting portraits sa aking harapan. Ngayong gabi, ika-17 ng Mayo, ay natapos ko ang pinakahuling portrait at talagang nasiyahan ako sa kinalabasan niyon. These are my gifts for Isla and Seija's grandmother for their birthdays.

"Hmmm, not bad..." I smiled as I wiped my hands with a clean towel.

Bukas ko na lang ilalagay sa frame at ibabalot ang mga iyon dahil lumalalim na ang gabi. Hindi ako maaaring magpuyat kaya marapat lang na matulog na ako ngayon.

Araw na ng Martes; araw nang pinakamamahal kong pamangkin na si Isla. I couldn't believe that she turned two years old today! Ugh! But she will always be my baby, right?

After I did my morning rituals, ginawa ko na ang hindi ko naipagpatuloy kagabi. Siniguro ko na maayos at maganda ang pagkakabalot ko sa mga painting. I spent weeks on them at ayaw ko namang masayang ang pinaghirapan ko.

I secured the other painting inside my closet before I took a bath. Disney ang tema ng birthday party ni Isla kaya nagpasadya talaga sina Kuya Azure at Ate Maxine ng mga isusuot namin. At dahil light brown ang kulay ng buhok ko, pumasa ako bilang si Belle. Konting hair extensions lang ang kailangan at ma-a-achieve ko rin ang hairstyle niya.

"Done na, Miss!" wika ni Royce nang matapos siya sa paglalagay ng lipstick sa mga labi ko.

"Thank you, Royce!" tumayo ako at tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin.

Napa-buntong hininga si Via. "Sayang at wala ang iyong Beast!"

"Busy si Seija pati na ang mga kaibigan ko, eh. Isa pa, um-absent lang ako ngayon sa Grand Rêve para sa birthday ni Isla," bigla akong nalungkot.

Biglang bahagi ng huling assignment ng mga chef para kina Seija, magkakaroon ng culminating activity sa araw ng kaarawan ng kanyang lola. They are the event organizers and they will provide the food as well. At dahil si Seija ang naatasang mamuno, siya ang magpi-presenta ng kanilang event plan ngayong araw.

Hindi ko alam kung matatawa ako nang makita ko sina Daddy at Mommy'ng bihis na bihis bilang sina Tarzan at Jane. Bumaba na rin sina Ate Symphony at Kuya Tristan na feel na feel ang kanilang pagiging Fa Mulan at Li Shang.

"I couldn't believe that Maxine made us wear these!" parang gusto nang magpa-iwan ni Mommy sa itsura niya ngayon.

"Melody, this is for our granddaughter, Isla. Calm down..." kunwari pa si Daddy, pero halata namang ilang na ilang na siya.

Tumawa kami nina Ate Symphony at Kuya Tristan. Kani-kaniya kaming bitbit ng mga regalo at sumakay na sa sasakyan. Sa amin sasabay ang Glam Team ni Ate Maxine dahil aayusan pa nila siya pagdating namin sa Max Grand Hotel.

Ilang sandali pa ay pumasok na rin si Frog Princess, este... si Trina na nagbihis sa katauhan ni Tiana!

"Tara na po! Thank you for waiting!" sabi pa niya.

Palihim akong umirap. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin ng mga tanawin sa labas buong biyahe. Mas nakakabighani pang makita ang mga iyon kaysa sa katabi ko.

One o'clock kami nakarating sa hotel. We didn't book a room so we went straight to the function hall. Ang Glam Team naman ay pinuntahan na sina Ate Maxine sa room nila. She told us that Isla was asleep and we didn't want to wake her up.

"Harmony, picture tayo!" tumihaya si Trina sa akin.

Ngumiti ako sa camera ng cellphone niya at pagkatapos ay binasa ko na 'yung program. Bukod sa mga kamag-anak, mga kaibigan, at mga kakilala sa business, inimbitahan rin nina Kuya Azure at Ate Maxine ang mga bata sa bahay-ampunan na sinusuportahan nila.

Always Coming Back (Chasing Dreams Series #2) [COMPLETED | Wattys2020]Where stories live. Discover now