Chapter 32

2.5K 102 2
                                    

Maaga akong naghanda para sa aking pagluwas sa Manila. I wanted to look pull together so I wore a black and white striped button up shirt, cuffed jeans, and light blue suede pumps. The shirt was French tucked to give an emphasis on the mid-section of my body; the sleeves were rolled up and the two top buttons were unfastened. A two row gold necklace was clinging on my neck to accentuate my outfit. My waist-length hair was tied into a low ponytail—it was sleek like how I wanted it to be done. This has been my style for the past years to look chic, yet professional.

Dahil wala akong tulog, kinailangan kong maglagay ng makeup. Surely, it made a big difference, though, it was just a small amount of foundation, blush on, and crimson red matte lipstick. Nakahiligan ko ring maglagay ng concealer dahil eye bags lang ang naipon ko sa loob ng limang taon.

Binati ako ni Betty nang maabutang umiinom ng tubig sa kitchen. "Good morning, Harmony! Ang aga mo, ah?"

Si Betty ang ipinalit ni Ate Maxine kay Maribel dahil nasa Manila na ito at nagtratrabaho bilang accountant sa Max Grand Hotel. Gustong ibigay ni Ate Maxine sa akin ang condo unit niya sa Makati, pero tinanggihan ko kaya si Maribel at ang pamilya niya na ang nakatira doon ngayon.

"Good morning din, Betty!" Inilapag ko ang baso sa sink. "Pupunta ako sa Manila. Traffic kaya kailangan kong umalis ng maaga."

"Gano'n ba?" Nilapitan niya ako. "Ako na ang maghuhugas ng pinag-inuman mo. Teka, hindi kana ba kakain? I cooked your favorite pasta dish!"

My mouth watered when I thought of that cheesy Aglio E Oglio...

Ngumisi ako. "Thank you, Betty, pero pass muna ako. Magagahol ako 'pag kumain pa ako, eh."

I grabbed my black Birkin and the architects' iconic "messenger bag". Nagpaalam na ako kay Betty at lumabas na sa kitchen. Nagsisimula pa lang mag-agahan sina Kuya Azure, Ate Maxine, at Isla pagdating ko sa dining area. Ibinaba ni Kuya Azure ang binabasang dyaryo samantalang napahinto naman sa pagkain ang kanyang mag-ina.

Tiningnan ni Ate Maxine ang mga dala ko. "Aalis ka nang hindi kumakain?"

"Oo, Ate. Sa daan na lang, 'pag may time pa akong um-order sa fast food. Kakain rin naman ako mamaya pagdating ko sa Manila," Yumuko ako at hinalikan ang pisngi nila ni Isla. "I have to go. Baka kina Mommy ako matulog mamaya ksi may pupuntahan ako bukas. I'll text you para ma-update kita."

Hinatak ni Isla ang kaliwang kamay ko. "Tita, you promised that we'll go shopping tomorrow, remember?" may bahid ng lungkot sa boses niya.

Tumikhim si Kuya Azure. "Anak, let go of Tita Harmony. She'll be late. Kung hindi ka niya masasamahan bukas, kami ng Mama mo ang sasama sa 'yo."

My niece's face brightened up at binitawan niya na ang aking kamay. Bumuntong-hininga si Ate Maxine at nagpasalamat naman ako kay Kuya Azure.

"Okay! I'm leaving now! I'll see you later ...or tomorrow!" totoo na talaga 'to. Aalis na ako.

"Take care, Harise! Drive slowly," paalala ni Ate Maxine at muli nila akong niyakap ni Isla.

"I will! Thanks!" kumaway ako at kumaway rin pabilik si Kuya Azure, nakangisi pa dahil grumpy na naman ang misis niya.

Magli-limang buwan pa lang akong naninirahan dito, pero kabisado ko na ang galaw at kilos ng bawat isa. Alam na alam ko na...

I put on my cat eye mirrored sunglasses and hopped in my car. Binuhay ko ang makina ni Cotton at bumusina habang pinapa-atras ko iyon. I turned the radio on and stepped on the clutch as I shifted the gear. Pinaharurot ko ang sasakyan at sinalubong ang makapal na fog na bumabalot sa Casa Lorenzo.

Always Coming Back (Chasing Dreams Series #2) [COMPLETED | Wattys2020]Where stories live. Discover now