Chapter 1

12.3K 263 27
                                    

Growing up as the middle child—now, the youngest because my brother passed away—has been so difficult for me. My parents are always not around, and so is my sister. I eat alone, I do my homework or project alone, I travel alone, I always do everything alone; and the hardest part is...I'm used to it.

That's why I didn't know what to feel when my parents sent me at Grand Rêve. Dapat ba akong maging masaya dahil nakialam na sila sa buhay ko, o dapat ba akong magalit dahil pinangunahan nila ako?

Parang ang mga kamag-anak pa nga namin na nakatira sa Germany ang tunay kong pamilya dahil madalas akong pumupunta doon, at ni minsa'y hindi ko naramdamang nag-iisa ako. My cousin, Marcus, visits me every now and then that's why we're so close. I treat him like a brother, and I know he felt the same way, too. We're on the same page because he once had a sister...

Iba naman ang kalakaran pagdating sa mga kamag-anak ni Daddy. The Travilla Clan is everywhere, at kung ano'ng ikinarami namin ay kabaliktaran kung ilan ang kasundo ko sa kanila. And, they hated me for it. Why would they hate me for such nonsense? I'm not anti-social, either. I just don't like their personalities. They're so good to be true, and that would never be okay. That's called "kaplastikan".

Family isn't just about blood; it's about who's willing to hold your hand when you're in need. And, most of them tend to walk away even though they already saw you hanging at the edge of the cliff.

Kaya naman pili lang rin ang mga malalapit sa akin. Sa school nga, tatlo lang ang kaibigan ko. My schoolmates said that I'm being too picky, and what are they gonna do about it, though? Ang tumingin sa tuktok ng building at panuorin kung paano malaglag ang pake ko? Choosing diamonds over rocks is not a crime; it will never be a sin to choose quality over quantity.

It's eleven o'clock in the morning. Tumunog ang sikmura ko. I'm really starving right now... Kailan ba kami ipapatawag ni Mrs. Villamonte para sa orientation?

Para maibsan ang gutom, inilabas ko sa paper bag ang maliit na cookie jar. My Mom made this for me. Mabuti na lang at may makakain ako dito kahit paano.

I opened the jar. Kumuha ako ng isa at nilantakan iyon. Naaalala ko tuloy ang aking mga magulang at ang kapatid ko. I missed them already. Pwede naman siguro magdala ng cookies si Mommy 'pag naubusan ako, 'no?

I was about to munch the second cookie when I heard a knock. Nilapag ko ang cookie jar sa bedside table. I walked towards the door. Sumilip ako sa peephole at nakita si Seija na nakatingin rin doon.

What was he doing? Tumingkayad ako para makita siya ng maayos. Nakasuot siya ng apron na may naka-burda na maliliit na paru-paro. Pffft. Tinakpan ko ang bibig ko at tumawa ng mahina. Kumatok ulit siya at 'agad kinabahan dahil baka narinig niya ako.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto. "Ano'ng kailangan mo?"

Nalanghap ko kaagad ang mabangong amoy ng pagkain. Saan nanggaling 'yon? May nag-deliver ba? Mas lalo tuloy akong nagutom! But looking at Seija, alam kong siya ang nagluto.

"I cooked for lunch. You might want to join me..." aniya at nag-iwas ng tingin.

Napa-lunok ako. Hindi na ako tatanggi. Nagugutom ako at wala nang oras para mag-inarte.

"Alright. Susunod po ako," sabi ko.

Tatangkain pa niyang silipin ang loob ng kwarto ko kaya isinara ko na ang pinto. Pumunta ako sa gilid ng kama. I opened the pink suitcase where my Mom put all my favorite clothes. What should I wear? My eyes scanned my them. Napukaw ng isang black dress ang pansin ko. Hmmm... This will do. Lunch lang naman.

Bago bumaba ay sinilip ko muna ang magkabilang kwarto. Ang kwarto sa kanan pala ang napili ni Seija... I'm curious, okay? Imagine? I'm living with a guy...for real!

Always Coming Back (Chasing Dreams Series #2) [COMPLETED | Wattys2020]Where stories live. Discover now