Chapter 11

1.7K 37 3
                                    

"Bakit pala ito ang gusto mong puntahan?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin.

"Baguio is one of you favorite place, right?" Natigilan ako sa naging tanong niya.

"Paano mo nalaman?" Alam ko ay hindi ko naman iyon nasabi sa kaniya, e.

"I asked your brother. Nasabi mo rin iyon dati kay tito. Kaso busy pa siya sa debut namin kaya hindi ka nakapunta." Mahina akong natawa sa sinabi niya.

"So, tanda mo pa pala iyong pagkikita natin?" Marahan siyang tumango. "Akala ko pa naman wala kang pakialam sa akin." Kunot noo siyang napatitig sa akin. "Joke lang! Masyado ka namang seryoso sa buhay, Professor Ry." Natatawa kong asar dito. Nakangiti kong sinulyapan ang kamay naming magkahawak.

Burnham Park ang una naming pinuntahang mag-asawa. Ito ang unang punta ko rito, naging favorite ko lang siya kasi madalas kong marinig kay Ate Vy at Kuya Adrian ang tungkol rito. Sobrang ganda ng pagkaka-kuwento nila sa lugar.

"Burnham Park, officially known as the Burnham Park Reservation, is a historic urban park located in downtown Baguio, Philippines. It was designed by American architect and Baguio city planner. Daniel Burnham who is also the namesake of the park." Sunod-sunod na pagtango ang na-isagot ko. Wala akong maintindihan sa paliwanag ni Professor Ry. Syempre madami talaga siyang alam sa buhay. I mean, madalas rin siya dito dati.

He explained everything. Pati talaga iyong history ng lugar pinaliwanag niya sa akin. Siguro gano'n talaga siya mamasyal.

"Hindi na pala natin kailangan ng tour guide, e." Pabiro kong sabi.

Mahina siyang tumawa, "Mahal ako maningil ng bayad." Pabiro ko siyang inirapan. "I love you nalang." Sabi ko na ikinatuwa naman niya.

Mines View park ang pinuntahan namin nang sumunod na araw. Sobrang ganda ng lugar lalo na at nasa pinakataas ito.

From the top of Mines View, you can see for miles on a clear day. All the mountains that contain the mines of Luzon. Also, there’s plenty of places to grab a bit to eat. Plus, lots of places to get some authentic souvenirs and tastes of Baguio.

Sobrang nag-enjoy ako pero, maliit nga lang talaga ang kuha kong picture dahil sa sobrang tamad ni Professor.

BenCab Museum The BenCab Museum is one of the most awesome museums in our country today. On the four level of building is where the art collection is and also where BenCab lives and where his actual workshop is located. Exhibits of exciting contemporary artists in Manila can be found here, too. Sobrang ganda ng mga art, lalo na at makikita mo yung kung ano ang pinagdaan ng mga taga Baguio nung unang panahon.

Wright park Wright Park is one of Baguio’s most popular tourist attractions. It’s the best place to bring family members of all ages, since all the activities here are child-friendly.

Bukod sa horseback riding at Igorot rental dress, sobrang nag enjoy kami ni Ry sa view. Mas lalo akong namangha nang makita ko ang tinatawag nilang Famous Mansion.

"Grabe! Sobrang ganda pala talaga nito, 'no? Kaya pala madalas rito sina Kuya." Namamangha kong sabi. Ilang araw na kami rito pero, ganito lagi ang nasasabi ko. Maganda naman kasi talaga sa Baguio.

"Yeah. That's why he never visit this place again." Napabuntong-hininga ako.

"Hirap din kasi mag move kung lagi mo namang babalikan ang nakaraan." Emosyonal kong tiningnan si Ryven, "Kung ako siguro iyong nasa sitwasyon ni Ate Vy, baka hindi ko kaya. Ilang taon din silang magkasama ni Kuya. And now he's engaged to someone." Malungkot kong sabi. Mahigpit na hinawakan ni Ryven ang kamay.

Professor Ry Is My Husband  - (This Love Series - 1)Where stories live. Discover now