Chapter 3

2.8K 73 17
                                    

Saturday...

Wala akong ginagawa pag ganitong week-ends. Gusto ko sana mag-mall pero, alam kong busy si Katharine sa anak niya. I meet his son before, ang cute nga niya kasi manang-mana siya kay Katharine.

Naligo muna ako bago lumabas ng kuwarto. Sigurado naman ako na wala si Ry pag ganitong week-ends, e. Ewan ko ba kung bakit laging wala iyon, pansin ko rin na madalas siyamg umaalis pag madaling araw. Maybe, they secretly see each other.

"What do you want to eat?" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang magsalita si Ry.

"Bakit n-nandito ka?" Nagtataka kong tanong. Seryoso lang niya akong tiningnan, para bang sobrang mali na itanong ko iyon sa kaniya.

"I'm living here. What do you expect?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"I-i mean...bakit hindi ka umalis? I'm sorry w-what I mean is that nasanay ako na umaalis ka." I can see the guilt in his eyes.

"Kumain kana." Tipid niyang sabi. Sinulyapan ko ang niluto niya. Sinigang, itlog at sausage.

"Are you sick? Are you going to die--" natigilan ako nang galit niya akong tiningnan. "I'm sorry." Nahihiya akong naupo sa tapat niya.

"P-pero wala ka bang sakit?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang muli niya akong tingnan.

"Ganoon ba ako kasamang asawa?" Dahan-dahan akong tumango. I don't want to pretend or lie anymore.

"Tsk!" Nagsimula na kaming kumain. Hindi ito ang unang pagkakataon na sabay kaming kumain pero, bakit parang kakaiba ang araw na 'to?

Bumuntong-hininga ako at muling tuningin sa kaniya. "May kailangan ka ba?" I asked. Hindi ko alam kung bakit kumunot ang noo niya sa naging tanong ko. To be honest, wala akong inisip kagabi kung hindi ang tungkol sa aming dalawa.

"I'm not cheating on you." Deretso niyang sagot. Hindi ako sumagot. Wala naman akong dapat sabihin kasi alam kong wala rin namang saysay iyon.

I realized that loving someone is not about staying for them, it's not about holding on to something who couldn't love us back. It's not about begging for their attention. Love is about being at peace when that person's around, when the care and respect was still there even after all the trials.

"I want you to trust me, Leandra." Kumunot ang noo ko. "I want to trust me as your husband." Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Ramdam ko bigla ang pangingilid ng luha sa mata ko. It's been 3 years.

This is the first na sinabi niyang asawa ko siya. Na he's my husband. Mariin akong napapikit, ilang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin maalis sa utak ko iyong sinabi niya. He's asking me to trust him.

Yes, sa tagal naming mag-asawa, ngayon lang may na involve na babae. Minsan umaalis siya pero, alam kong kay tita siya umuuwe pero, bakit gusto niya akong magtiwala?

Kath?

Yes?

Busy ka ba? I mean, may ginagawa ka ba?

Wala naman. Tulog si baby.

Mabilis ko siyang tinawagan nang mabasa itong reply niya sa akin.

"May problema ba?" Hindi talaga maalis sa isip ko ang mga sinabi niya. Why would you settle for less if someone's willing to treat you right?

"Nalilito ako." Muli akong napabuntong-hininga. "Gusto kong pakawalan siya."

Professor Ry Is My Husband  - (This Love Series - 1)Where stories live. Discover now