Chapter 13

1.4K 29 2
                                    

Ngumiti ako nang tuluyang makabalik sa upuan ko. Nagtataka akong sinulyan ni Ryven, "Where have you been?" Tanong niya.

"Sa comfort room." Sagot ko. Nagpaalam naman ako sa kaniya.

"25 minutes? Tumae ka?" Irita kong sinulyapan si Kuya Adrian.

"Nag-ayos ulit." Muntik ko ng makalimutan na kaibigan pala siya ni Gab, of course! invited siya.

"Don't listen to him, Leandra, inggit lang iyan." Natatawang sabat ni Ate Augustine.

"Minsan na nga lang tayong magkita, ganyan ka pa." Nagtatampo kong sabi sa kuya ko. Kunot noo niyang sinulyapan si Ryven, "What?" Maarteng sagot ng asawa ko.

"So, it's true-" Naputol ang sasabihin ni Kuya nang biglang dumating ni Killian. Grabe! Parang hindi halata na 30+ na ang mga kasama ko sa table. Parang same age ko lang sila, nasa 20+, gano'n.

"Hey!" Halatang napipiitan siya pero, kasal 'to ng matalik nilang kaibigan.

"Wife..." Marahan kong sinulyapan si Ryven nang tawagin niya ang pangalan ko, "I love you." Ramdam ko bigla ang pamumula ng pisngi ko. Sigurado akong narinig iyon ng mga kasama namin.

"Mas mahal kita." Nakangiti kong sabi. Magsasalita pa sana si Ryven nang umepal na naman ang kapatid ko.

"Get a room, guys, parang kasal niyo 'to, ha?" Mahinang natawa si Killian sa sinabi ni Kuya Adrian. Umupo siya sa kanan katabi ng upuan ni Ryven.

"Where's your wife?" Tanong ni Ate August.

"She's in London." Tipid niya sagot. Halatang ayaw niyang pag-usapan Pero, bakit naman? Asawa niya iyon, e. Pero dahil wala naman sa ugali ko ang pagiging chismosa, nakinig na lamang ako.

"Still busy on her career?" Dagdag ni Kuya Adrian. Siya talaga iyong chismoso! Akala mo hindi lalaki, e.

"Yeah." Marahan kong sinulyapan si Killian. It's been years since the last time I saw him. Alam ko ay siya ang makulit sa kanila pero, wala akong karapatang husgahan ang pagbabago niya. Ganyan na ganyan din ako kalamig at kahinhin nang mga panahon na hindi pa kami okay ni Ryven, but now? Unti-unti ng bumabalik iyong dating ako.

Gano'n nga talaga, people do change especially when their hurt.

"I'm jealous." Rinig kong bulong ni Ryven, mukhang kanina niya pa ako pinagmamasdan.

"May naalala lang." Sagot ko. Muli kong binalik ang atensyon ko sa pagkain. Mukhang iyong asawa ni Killian ang usapan nila.

"Ang tagal naman ni Vy," Nagtataka kong sinulyapan si Gab at Maxine nang marinig ang sinabi nila.

"Baka na delay iyong flight?" Alam kong rinig rin ni Kuya Adrian ang usapan nila. Marahan kong sinulyapan si Ate August na kasalukuyang nakatitig sa wine na hawak niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Y-you invited her?" Tanong ni Kuya Adrian, naramdaman ko ang paghawak ni Ryven sa kamay ko. Kung may nasaktan man sa pag-alis ni Ate Vy, si Kuya Adrian iyon.

They've been together for years and it's not that easy at all.

"W-why? Is there any problem?" Nag-aalalang tanong ni Maxine.

"It's your wedding day, Maxine, don't mind us." Si Ate August na malambing na ngumiti sa aming lahat. Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating si Ate Vy.

"S-sorry....delay ang flight namin." Unti-unti kong inangat ako ulo ko para makita siya. Unti-unting namuo ang luha sa mata ko. It's been 3 years pero ang ganda-ganda niya pa rin talaga. Parang mas lalo pa siyang gumanda.

"It's okay. It's nice to see you again!" Nakangiting yumakap si Maxine sa kaniya.

So, close sila ni Ate Vy?

Professor Ry Is My Husband  - (This Love Series - 1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum