Chapter 12

1.5K 36 8
                                    

Tama nga si mommy, when you truly love someone, it may be hard to express those emotions through words. Kahapon lang ang uwe namin dito ni Ry sa bahay namin. Hindi ko maitago ang ngiti sa labi ko, lalo na nang sabihin niyang puwede na akong pumasok.

"May pupuntahan ka ba?" Inaantok kong tanong. Marahan niyng inayos ang necktie na suot niya.

"Us." Nakangiti niyang sagot. Sinulyapan ko ang orasan na nakalapag sa side table ng kama.

"Akala ko ba mamaya pang 5pm ang uwe natin? 5am palang." Naguguluhan kong tanong. "O baka mali lang pagkarinig ko?" Pagkomperma ko. Baka naman kasi nabingi lang ako sa sobrang pagod ko kagabi?

"No. I change my mind. I think you're gonna love this." Pinaningkitan ko siya ng mata. "Bumabawi lang." Nakangiti niyang sabi.

Napangiti ako nang kunin niya ang hinanda niyang pagkain, "Professor Ry, na laging handa." Natatawa kong sabi. Hotdog, egg and fried rice iyon pero sobrang nakakatuwa na iyon para sa akin.

"Are you done?" Kunot noo niyang tanong nang tumayo ako.  "Oo. Tapos kana magbihis, e, nakakahiya naman kung maghihintay ka ng matagal. Excited rin akong makita kung anuman iyang surprise mo." Mahaba kong sabi. Nakangiti akong nagtungo sa banyo, inaatok pa naman ako pero mas gusto kong mamasyal kasama siya.

Katulad ng sabi ko, nagtatampi talaga ako kay Ryven dati. Alam kong iyong bumabawi siya, pinapatunayan naman niya na mali ang mga nagawa niya. He never cheated on me. Enough naman siguro iyon para bigyan siya ng chance hindi ba?

May mga panahon pala talaga na maiisip mong, okay lang masaktan sa taong mahal mo. Pero, huwag lang umabot sa point na sasaktan ka nila physically or cheating kasi non-negotiable na iyon para sa akin.

****

"Wife...." Rinig kong pagtawag ni Ryven sa pangalan ko, "We're already here," Malambing niyang sabi, marahan niyanh tinapik ang pisngi ko. "Wife...." Marahan kong dinilat ang mata ko.

"I'm sorry." Inaantok kong sabi, bigla akong nakatulog sa byahe. Unti-unti kong sinulyapan ang labas, hindi ko alam kung nasan kami.

"Part pa rin ba 'to ng Baguio?" Nagtataka kong tanong. Napanguso ako nang hindi siya sumagot. Nakangiti lang siyang lumabas para pagbuksan din ako ng pinto.

"Ryven..." Naluluha kong pagtawag sa pangalan niya nang tuluyang makababa sa kotse.


"You really appreciate this kind of place, huh?" Mabilis na pagtango ang sinagot ko. "The People's Park In The Sky." Nakangiti kong pinagmasdan ang paligid. Grabe! Sobrang ganda ng lugar.

The People's Park in the Sky, often simply called People's Park and the park was converted from an incomplete mansion, known as the palace in the sky. 

"Salamat..." Nakangiti kong hinawakan ang kamay niya. Mabuti nalang at nagdala ako ng camera. We took a lot of picture. Gusto kong maalala ng mga ganitong bagay. Gusto kong ikuwento sa magiging anak namin ang masasayang araw namin ni Ryven.

"Thank you for loving me, Leandra." Malambing niyang sabi at humalik sa ibabaw ng ulo ko. "Thank you for not giving up on us." Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Ikaw, ha? Hindi naman ako na inform na may ganito kang ugali." Pang-aasar ko pa sa kaniya. "Uuwe ba tayo after this?" Umiling siya.

"Nah. Madami tayong pupuntahan." Lumawak lalo ang pagkakangiti ko.

"Aba! Madami bang naka list diyan? May pasok na bukas." Mukhang madami akong iku-kuwento kay Katharine. Hindi na rin nagparamdam ang isang 'yon.

"FANTASY WORLD" Nanlaki ang mata ko. Parang lahat ng gusto kong puntahan dati ay alam niya.

Professor Ry Is My Husband  - (This Love Series - 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon