Chapter 4

2.5K 60 17
                                    


"Let's go home, Leandra. Hatid na kita." Marahan kong inalis ang pagkakahawak ni Krayze sa braso ko. Ayaw kong umuwe muna.

"Hatid mo nalang ako sa bahay ni Katharine. I'm fine don't worry." Pinagmasdan muna niya ako bago tuluyang tumango. He never change, the way he respect my every decision in life.

Tahimik lang akong nakatingin sa dinadaanan namin. Ayos lang naman sa akin dati na hindi ako pinapansin ni Ryven, masaya ako kapag nandiyan siya, kapag nakikita ko siya. Pero, iba pala sa pakiramdam pag may mahal siyang iba.

My parents relationship is not perfect, I saw them argued or blame each other most of the time but, at the end of the day, they choose to stay. My mom told me that married is a promise to God, na kahit gaano kahirap kailangan mong manatili, kasi iyon ang pinangako niyo sa isa't isa. Pero habang tumatagal, I realized how hard it is to stay in a relationship kung saan ikaw lang ang nagmamahal.

"What is loyalty for you?" Bigla kong tanong kay Krayze. Halatang nagulat din siya sa naging tanong ko.

"Loyalty is not an obligation," Bumuntong-hininga ako sa sinabi niya.

"It is something you voluntary give to a person you genuinely love, accept, and support." Mahina akong natawa sa sinabi niya.

"That's the difference... Kasal siya sa akin, pero si Rexha ang mahal niya. He genuinely love her that's why--"

"Leyn, that's not what I mean." Umiling ako rito.

"Okay lang. Sanay naman na ako." Sagot ko. Muli akong nanahimik hanggang nasa tapat na ako ng bahay nina Katharine. I know she's busy but, I need someone to talk too.

"Salamat." Nakangiti kong sabi at tuluyang lumabas.

"Call me if you need something, okay? I'm always here, Leandra." Tumango ako. Sobrang swerte na ako kay Krayze. Pero gano'n nga talaga minsan, na kahit may willing magmahal sa atin, do'n pa rin tayo sa taong hindi tayo mabigyan ng sapat na pagmamahal.

Na kahit may willing magbigay ng princess treatment, do'n pa rin tayo sa invisible or you don't exist treatment or should I say, trash? Literal na nasa harapan na tayo, sa iba pa rin ang hanap.

"Good noon po, nanay Rosa." Bati ko kay Nanay nang pagbuksan niya ako ng gate.

"Good noon rin, anak. Natawagan mo na ba si Katharine?" Nagtataka niyang tanong.

"Wala po ba siya?" I asked.

Tumango naman siya, "Nasa hospital, may check-up iyong anak." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Sige. Huwag niyo nalang po sabihin na galing ako rito." Nagtaka si Nanay Rosa. "Baka po kasi dumagdag lang ako sa iniisip niya. Magkikita naman kami sa school bukas." Natatawa kong dahilan. Nagpaalam na rin ako kay nanay Rosa. So, I'm gonna drink since I don't really know what to do. Gano'n iyon, mag-inom para madama ang pait ng pag-ibig.

"Isa pa po!" Sigaw ko kay bartender. "Kuya, puwede magtanong?" Halatang nagulat si Kuya nang hawakan ko ang kamay niya. "K-kapag ba i-iyong asawa mo may mahal ng iba, ano ang gagawin niyo?" Natatawa kong tanong.

"Let her go. Iyon po ang gagawin ko." Nakangiti akong tumango. Lasing na nga talaga ako.

"Let him go? Hindi ba ako minus 1 -- nun sa langit?" Natatawa siyang umiling sa akin. "Lasing na po kayo," pag-iiba niya ng usapan. "Pero, kung mahal mo ang tao na iyon, palayain mo. That's the right thing to do po." Dagdag niya sa sinabi niya.

"Bitter ka, e." Natatawa kong biro. Tumayo na ako at nagbayad sa kaniya. Kanina pa ako umiinom kaya sure akong maaga akong makakatulog.

"Wala pala akong dalang kotse --ay may kotse ba ako? Wala naman, e. Kaya syempre wala kang dala kasi nga wala kang kotse." Natatawa kong sabi habang naglalakad sa labas.

Professor Ry Is My Husband  - (This Love Series - 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon