LAST CHAPTER

1.6K 26 0
                                    


Many silent tears but always a beautiful memories of him. Madami man ang nangyari, masasabi kong worth it naman ang naging kapalit nito sa amin.

5 years had passed, lumipas man ang ilang taon, hindi ko pa rin malilimutan ang mga nangyari sa amin. Kung paano muntik ng mawala sa akin ang lahat.

Tito Lorenzo is guilty of what happened to us, it's been 9 years pero, malaki ang iniwan nitong sugat sa aming lahat.

Sinulyapan ko si Rexha, na kasalukuyang naghahanda ng pagkain. Life is never easy for her but, she chose to fight and continue to live with her daughter. Nasa tatlong taon na rin ang anak niya.

I'm not mad at her, nagkamali siya, oo. But, she's also the victim. Nagloko nga siya pero, alam kong natuto na siya sa pagkakamali niya.

What I have learned for this past few years is that it's okay to forgive and move on without forgetting what they did to you. Naniniwala akong, mabilis talaga tayong magpatawad pero, hindi natin makakalinutan ang iniwan nilang sugat.

Today's Ailana Skye and Xavier Skyler's 4th birthday. Ang bilis lang ng panahon pero, nakakatuwa lang kapag nakikita mo ang mga anak mo. Nakakalungkot kasi ang bilis nilang lumaki, iniisip ko palang na balang araw ay iiwan nila ako, o magkakaroon na sila ng pamilya, nalulungkot na ako.

Ngayon ko lang naintindihan ang mga magulang ko. Iba pala talaga kapag lumalaki na ang anak mo. Masaya kang makita silang malusog pero, malungkot isipin na balang araw ay magdedesisyon sila para sa sarili nila.

"Bakit ang tagal nila?" Nakanguso kong tanong kay Rexha. Dapat ay kanina pa sila dumating.

Lumapit sa akin si Rexha at maingat akong pinaupo. "Bawal mapagod ang buntis." Mabiro ko siyang inirapan. I'm 4 months pregnant.

Napangiti ako nang maalala ang araw na iyon. God is not sleeping. He's listening to our silent prayer. Hindi man niya agad binibigay, alam kong darating ang araw na ipagkakaloob niya ang bagay na para sa 'tin talaga.

I still remember how I cried that day, how I beg and ask him to save my husband. Umabot ng ilang buwan pero nagulat ako nang bigla siyang nagising. Ilang araw bago ako manganak. Siguro ay ginawa iyon ni Lord, para mas maging matatag ako at maniwala sa kakayahan niya. Mas manalig ako sa kaniya.

Simula rin ng araw na iyon, halos araw-araw na akong nagdarasal. Minsan ay sinasamahan ako ni Ryven at ang mga anak namin.

"Mommy! Mommy! Where are you!" Mabilis akong tumayo para silipin ang anak kong babae. Patakbo siyang yumakap sa akin.

"Bakit ngayon lang kayo?" Marahan kong inayos ang mahaba at magulo niyang buhok. Mukhang nakipag-laro na naman sa mga kaklase niya.

Makulit si Ailana, not unlike his twin brother. Masyadong magkaiba ang ugali nilang dalawa.

"Kuya Skyler and Tricia is fighting again, Mommy. Kuya made her cry!" Sumbong ng anak ko. Nahihiya akong sumulyap kay Rexha. Ngumiti nalang siya sa akin.

"Of course not! She's annoying!" Reklamo naman ng anak ko. Lalapitan ko san siya nang biglang magsalita si Professor Ryven. My husband.

"Just admit it, Sky." Kalmado ngunit ma-awtoridad niyang sabi sa anak niya.

"I'm sorry po, Tita." Nakayukong sagot ni Skyler. Bumuntong hininga ako at umupo para mapantayan ang anak ko.

"Skyler, you should say sorry to her, trinity is younger than you, okay? Hindi rin magandang pumapatol ka sa babae. Be gentleman and good guy." Pahinahon kong sabi sa kaniya. Matamis siyang ngumiti at lumapit kay Trinity. They called her Tricia. But, Trinity suit her.

Professor Ry Is My Husband  - (This Love Series - 1)Where stories live. Discover now