Prologue

4.1K 81 6
                                    

___

"What the hell are you doing?!" Rinig kong sigaw ni Ry sa labas ng cr. Wala talaga 'tong ginawa sa buhay kung 'ndi ang magsungit sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Pasalamat ka talaga mahal kita, e.

"Sandali lang! Ito naman masyadong atat gumawa ng kababalaghan." Nakangisi kong sabi. Wala naman siyang choice kasi nauna akong maligo dito.

"It's already 7:30 am, Leandra Leyn!" Mas lalo akong napangisi.

"Ano naman? We can still do that thing, Mr. Santiago." Kunot na kunot ang noo niya nang buksan ko ang pinto. We're married after all. Yes, wala pang nangyayari sa amin pero, ang sarap lang niyang asarin.

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang makitang tanging tuwalya lang ang pangtakip ko ng katawan.

"Wala akong oras maki-paglokohan, Leyn." Lalampasan na sana niya ako nang hawakan ko ang braso niya.

"Hindi ka makahintay kanina lang, ha? Bakit ngayon hindi mo 'ko matignan?" My eyes widened when  he immediately pinned me on the wall, trapping both of my arms on my side. It scares me how he makes me melt into his arms.

"W-what are you doing?" Utal kong tanong. But, instead of answering me his fingers caressed my cheeks gently, his eyes on my lips.

"Now tell me, do you want me to this or -"

"Oh My God! Pasensya na kung naabala ko kayo!" Pareho kaming napatingin sa pinto nang biglang magsalita si mommy. Mabilis kong naitulak si Ry, na kasalukuyan pang nakangisi sa akin.

"It's okay, Mom." Nakangiting sagot ni Ry bago tuluyang pumasok sa banyo. Wala talagang kuwenta iyon!

"Hay, ang sweet talaga ni Ry, anak!" Natatawang saad ni mommy. Bumuntong-hininga nalang ako. I don't know what to say. Nakokonsesya ako dahil sa harapan ni mommy, ayos kami ni Ryven. Pero, pag kaming dalawa lang, ang hirap.

Hindi ko alam kung bakit kailangan kong masaktan. Ito naman ang ginusto ko, e, ang makasama siya araw-araw. Pero, minsan masakit rin pala talagang umasa sa isang bagay na malabong mangyari.

3 years na kaming kasal pero, hanggang ngayon wala pa rin talagang improvement. We don't talk like we used to be. Minsan, inggit na inggit ako sa mga nakikita kong couple post. How happy and in-love they are.

"We're here." Nagtataka kong sumulyap sa labas. Nandito na pala ako. Yes, hinatid niya ako pero kailangan ko pang maglakad papuntang university dahil baka raw may makakita sa amin.

"Is there something bothering you?" Tamad na tanong niya. Mukhang napansin niya ang pananahimik ko. "Huwag mong lagyan ng malisya ang ginawa ko kanina. It's nothing." Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Wala talaga siyang pakialam sa mararamdaman ko. Hindi ko naman iniisip iyong nangyari kanina kasi talagang wala lang iyon pero, kailangan pa ba niyang ipa-mukha?!

"Whatever." Inis kong sabi bago bumama. Malakas ko pang sinarado ang pinto ng kotse niya.

Hindi ko alam kung bakit ba ako nagkagusto sa katulad niya. Dakilang walang pakialam sa mundo!

***

"Bakit nakasimangot kana naman diyan?" Tanong ni Katharine. My best friend. Ang nag-iisang nakakaalam ng tungkol sa amin ni Ry. "Asawa mo na naman?" Hindi ko makuhang sumagot.

"Nandiyan naman kasi si Krayze, bakit kasi pinipilit ang sarili mo do'n? Maganda ka naman." Pilit lang akong bapangiti rito.

"Kung sana madali lang iyon gawin, Kath. Kaso hindi, e. How to unlove someone ba?" Umiling nalang siya. "Isa pa, kasal na ako." Tipid kong sagot at naunang pumasok.

"Nag-resign raw si Mr. Alfonso." Sinulyapan ko si Lorie na halatang kanina pa nakikipag-asaran sa mga kaklase namin.

"Bakit raw?" Nagtataka kong tanong. Midterm na namin kaya paano iyong mga grado namin?

"May malalang sakit raw? I'm not sure but, iyon ang rinig ko. Balita ko iyong pogi na prof. Iyong hahawak sa mga major subject natin." Mas lalong kumunot ang noo ko. Isa lang ang alam kong p'weding mag-handle ng major subject namin.

"Iyong girlfriend ba ni Mr. Perez?" Dagdag naman ni Jenny. Hindi ko na alam kung sino ang tinutukoy nila.

"Oo! Si Mr. Santiago? Balita ko nga madalas silang nagkikita." Parang tumigil ang mundo ko. Hindi ko makuhang magsalita.

"Ryven Rhys Santiago ba?" Nagtatakang tanong ni Katharine kay Lorie.

"Yes! Hindi ba kayo updated sa mga ganap here sa university?" Magsasalita pa sana ito nang biglang pumasok si Ry.

"Good morning." Malamig niyang sabi.

I can't find the right word to express what I feel right now. Is he cheating on me?

_____

To be continued...

Professor Ry Is My Husband  - (This Love Series - 1)Where stories live. Discover now