CHAPTER 32 The Battle

Start from the beginning
                                    

"AAAHHH! ABRA!!!"

Tili ng mga babae kaya napatingin ako dun sa lalaki na kakaupo lang dun sa judges table. Tapos kumaway siya sa mga fans niya sa itaas. Aba, rumaracky din ang dating niya ah. Ngayon ko lang siya nakita ah.

RACKY's POV

Andito ako ngayon sa likod ng backstage, nakaupo habang nakikinig ng music. Naiinip na nga ako eh kasi ang tagal magsimula.

"Oy idol goodluck ha?"

Sabi ni Abra sakin. Sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko kung pano ako nagsimula dati.

Pangarap ko nga na makalaban siya one time, magaling din kasi eh.

Alam kong, malayo pa ang mararating niya.

"Salamat tol."

Sabi ko tapos nag aper kami.

Matapos niyan, pumunta na siya dun sa judges table sa unahan. One of the judges kasi siya eh. Oh kita niyo na judge na siya?

"AAAHHH! ABRA!!!"

Tili nung mga fans niya. Gwapo rin kasi eh, iba talaga ang mga dating namin, hehe.

Hay nako kailan pa kaya magsisimula to?

Pagtingin ko dun sa kabilang side, nakita ko si Jadfor, naka evil smile tapos nag death sign. Aba kinakabahan ako sa kanya ah! Sobra! Psh, tingnan nalang natin kung hanggang saan yang tapang mo.

SHAMY's POV

"Anong oras ba to magsisimula?!! Ang tagal ha!"

Sabi ko.

"AAHH ABRA PWEDENG PA PICTURE TAPOS PA AUTOGRAPH TAPOS PA AKAP?!!"

Sabi ng babae na bigla-bigla nalang lumapit dun sa Abra. Woah nalusutan niya ang mga security? Hehehe, naalala ko tuloy yung attitude ko nung fangirl pa ako. Nakakatuwa naman siya.

"Oo naman."

Sabi ni Abra at pinagbigyan na siya. Ang mga tao eh natatawa na rin sa kanya, to the highest level kasi kung kiligin, hehe.

"MAGANDANG UMAGA B-SIDE!!!!!!"

Sigaw ng host kaya nagsigawan ang crowd. Aba at mag-uumpisa na! Yehehe. Woohoo!

"Welcome to the Rap Battle Championship 2014! At ngayong araw na to, masasaksihan natin ang muling paghaharap nina Jadfor and of course, the rap sensation, the mainstream, the undefeated Racky Walfon!!!"

"WOOHOO!" - Crowd

"Tatlong beses na silang nagkakaharap sa kada championship natin, hindi ba kayo nagsasawa sa kanila?!!"

"HINDI!!!" - Crowd

Ano?!! Tatlong beses na silang nagkakaharap? Kung ganon, tatlong beses na pala niyang natalo ang Jadfor na yan?

"At tatlong beses naring natatalo si Jadfor! Sa tingin niyo ba makakabawi siya ngayon?!!"

"HINDI!!!" - Crowd

Hahaha, isang malaking hindi talaga? Natawa ako dun ah, hehe.

"Hahaha, HANDA NA BA KAYO?!"

"WOOHOO!!" - Crowd

Ganito pala talaga dito? Sobrang energetic ng mga tao, hehe.

"Wag na nating patagalin pa to! Sa kanan! Ang ipinagmamalaki ng Tropang Henyo, ang tinaguriang hari ng trash talk, the bully boy Jadfor!!!"

Pagkasabi ng host lumabas na siya kagad galing backstage kasabay ng hiyawan at palakpakan ng mga supporters niya.

Hindi siya ganon ka gwapo pero malakas ang dating niya. Maskolado kasi eh, pero mukhang traidor yun mukha. Nakakatakot nga eh, parang disidido talaga siyang talunin si Racky.

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Where stories live. Discover now