CHAPTER 17 The Come Back

162 1 0
                                    

*ONE WEEK LATER*

July 19, 2014 (Saturday)

Shamy's House

SHAMY's POV

Eto ako ngayon, nag-iisa naglalakbay sa ginta ng dilim, hahaha de joke lang. Andito ako ngayon sa bahay nag che-check ng test papers ng mga students ko. Mas nakakapagod pala kung regular teacher kana haist.

Anong nangyari last week? Ayon, ang saya ng whole family ko, naiyak nga si nanay nung sinabe ko sa kanya eh. Sabi nga nila mag-asawa na raw ako kasi may trabaho na, haha ganon? Porket may trabaho na mag aasawa na kagad? Wew wala pa yan sa isip ko. Saka nagtataka nga si nanay kung ba't di na niya nakita si Racky. Ede bumalik na ng Manila. Di ko lang sinabe na nag-away kami, wala na namang mangyayari kung sasabihin ko.

Wala narin akong balita kay Brennah umpisa nung nagresign sya. Tinatawagan ko naman para kamustahin pero unattended naman. Nakapanganak na kaya sya? Gusto ko sana syang dalawin sa bahay niya kaso nawawala naman sa isip ko. Hmnf, next time na ngalang.

Ako lang pala mag-isa rito sa bahay. Si nanay kasi andun sa panganay kong kapatid. Sinundo siya rito kani-kanina lang. Alam mo na, namimiss daw kasi nila si nanay kaya pagbigyan, hehehe.

*diiing dooong*

Oh may nag do-door bell. Baka si nanay to bakit naman kaya sila bumalik? Baka may nakalimutan.

*diiing dooong*

"Andyan na po!"

Sigaw ko.

*diiing dooong*

*diiing dooong*

Teka parang di naman si nanay to ah! Kung si nanay kasi, one or two pindots lang sa door bell, pero ito atat eh!

*diiing dooong*

*diiing dooong*

Oh parang nangyari narin sakin to nung isang gabi ah. Kaso pagbukas ko ng gate, pusa ang nakita ko. Ah baka ang pusa ulit to.

*diiing dooong*

*diiing dooong*

"Hoy pusa ano ka ba!!?"

Bigla kong binuksan ang pinto at naglakad papunta sa gate.

*diiing dooong*

*diiing dooong*

"Tssss pusaa aaalis!"

Sigaw ko sabay bukas ng gate.

"Pusa ngayon kalang ba nakahawak ng doo/"

Bigla akong natigilan sa nakita ko.

.

.

.

.

hindi siya tao.

hindi siya bagay.

hindi rin siya pusa.

pero hayop sya. HAYOP!

.

.

.

.

.

.

"Raaaaaackkkyy? Ikaaaaw?"

Nagulat talaga ako. Di ko inaasahan na magkikita pa ulit kami. Ang akala ko nasa Manila na sya. Bakit pa ba siya bumalik dito?!!

"Yes ako nga *salute* at hindi naman ako pusa noh sa gwapo kong to."

Ngumiti siya at halata sa mata niya ang pagsisisi. Ok na sana, may gwapo pang sinabe.

"Ano ba ang ginagawa mo dito!!? Wala kang mapapala sakin umalis kana!!"

"Miss pwedeng pa kiss?"

"Ha? Anong konek!?"

Matapos niya akong awayin hihingihingi pa siya ng kiss? Manyak talaga to! Pero bakit parang napangiti ako nung narinig ko waaaah!

"Lapin ang mga ngipin?"

"Ano baliw ka na ba?!!"

Unti unti syang humahakbang papalapit sakin, di kaya hahalikan talaga ako nito? Waaah!! Kaya ako naman tudo atras hanggang sa nakapasok na kami ng gate. Nasaloob na kami ng bahay pero sa may parking lot lang. Nasaloob kami pero parang nasalabas parin waaaah! Ang gulo ko naman.

"Wag ka ngang lumapit sakin!! Umalis kana!"

Inirapan ko siya pero di niya lang ako pinansin. Para kasing nag wa warm up sya. Ano naman kaya ang binabalak nito?

"Shamy, makinig ka, this song is for you, AHEM, AHEM."

Song? Teka kakantahan niya ba ako!!?  Pero bakit? Naguguluhan ako, WAAAAHH!

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon