CHAPTER 54 The Last Bond

109 3 2
                                    

Dedicated to Photojenny. Thank you for reading my story all through out. :-)

ONE WEEK LATER

Beach Resort

Third Person

Isang linggo ang nagdaan at masasabi ni Shamy na marami na ngang nagbago sa takbo ng buhay niya. Nagpaiwan siya sa Manila kasama sina Steffon at Brennah para makasama pa ng mahaba-haba ang mga kaibigan at syempre marami pa silang dapat pag-usapan ni Miler.

Naging malinaw na ang lahat sa kanya. Alam na niyang magpinsan sina Miler at Steffon. Nung nalaman nga niyang magpinsan yung dalawa eh halos sabunutan niya si Steffon na co-teacher niya.

Alam na rin niyang si Miler ang nagligtas sa kanila dun sa pangingidnap ni Jadfor. At sobrang nagulat pa siya nung malaman na ang mascot na hello kitty ay si Miler din.

Inamin din ni Racky na alam na niya nung una palang na hindi niloko ni Miler si Shamy, dahil nga sa nagkausap din sila ni Crysta doo sa park. Halos lumabas na nga ang mata ni Shamy nung malaman ang tungkol diyan.

Tapos para mapasaya naman si Shamy ginawa talaga ni Racky ang lahat para mapagstay si Miler dito sa Pinas. Nagplano pa sila kung ano ang mas magandang pagkakataon kung saan magpapakita si Miler kay Shamy. Yung magiging special at unforgettable para sa kanila; so Racky come up to the decision na sa awards night nalang gagawin. At dahil nga sa medyo malayo pa ang awards night, hindi na makatiis si Miler na makita si Shamy so ayon, lumabas ang mascot na plano.

Dahil na rin sa nasaksihan ni Racky ang di malilimutang pagkikita ng dalawa ay para bang nagdulot ito nang kaguluhan sa kanyang personal na nararamdaman. Hindi niya lubos akalain na maapektuhan siya sa nangyaring ito, sabay amin sa sarili na may gusto nga siya kay Shamy. Pero alam niyang komplekado at mali dahil nga sa nandiyan na si Charie sa tabi niya at ganoon din si Shamy kay Miler. Gayunpaman, hindi niya maiwasang matanong ang sarili kung parehas ba sila ng nararamdaman ng dalaga.

Kasalukuyang nandito silang lahat sa beach resort ng family ni Racky. Bukas na kasi ang balik nina Shamy sa probinsya kaya heto at nagpasya silang magdaos ng isang simpleng handaan. Ang iba nilang mga kaibigan ay nandito rin, lalo na ang Candies at syempre si Chris na masayang nagk-kwentuhan sa sala.

Pero ang anim ay nagb-bonding lamang sa tabing dagat, nagkukulitan at nag-aasaran habang nakaupo sa malalaking bato.

Hindi rin maiwasan nina Racky at Shamy na alalahanin ang kanilang pag-uusap sa lugar na ito noon pero pinipilit nalang nila na ibaling ang atensyon sa kasalukuyang ginagawa nila.

Magkatabi ang tatlong girls at ang sa harapan nila ay ang mga nobyong walang ibang ginawa kundi magpagalingang magbitiw ng mga pick up lines. Si Racky ang mas havey, kasi emcee eh. Magaling lumikha ng mga bara.

Biglang tumayo si Steffon.

"Hirap pala kapag rapper ang kalaban. Iba nalang ang pagtalunan natin-- mga brad hali kayo."

Utos niya kina Miler at Racky.

"Oh bakit?" - Racky

"Ano na naman ba?" - Miler

"Basta dali na!"

Demand ni Steffon tapos tumayo naman ang dalawa at bigla niyang inakbayan.

"Mga girls may tanong ako sa inyo."

Hinarap niya ang tatlong habang nakangisi.

"Ano yon?" - Shamy

"Go!" - Charie

"Sige mahal." - Brennah

Seryosong tanong ng tatlo.

"SINO MAS GWAPO SAMIN?!"

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Where stories live. Discover now