CHAPTER 25 The Sincerity

163 2 0
                                    

+KINABUKASAN+

Old Building

RACKY's POV

Nandito kami ngayon sa shooting place namin. Kani-kanina lang kenewento ni Chris ang storyline; siya kasi ang director ng mv nato.

Independent kasi ako. Hindi ako talent ng isang tv station o isang recording network, talagang on my hand lang umiikot ang career ko.

I have also my own studio, well nakalimutan ko palang sabihin na ang music studio'ng yon ay walang iba kundi sa akin, hahaha. Kung gusto kong mag plug ng album ko eh saka lang ako lumalabas sa tv o kaya naman kung may nag-iinvite na mag perform ako sa isang show eh hindi naman ako tumatanggi. Di naman ako mapili sa mga guestings, pero sa social media ako sobrang updated kaya dyan nakatutok ang mga fans ko.

Ok back to the story na ngalang. So yon nga. Ang kwento sa mv is mag bestfriend kami ni Shamy tapos sa huli kami nagkatuluyan. Ang labo nga ni manager eh kasi di pa niya sinasabi kung ano talaga role namin at kung sino pa yong isang makakasama namin. May girlfriend daw kasi ako rito kaya may isang babae pang kasama sa cast.

Asan si Shamy? Ayon pagkatapos ng meeting hinigit ni Chris sa dressing room. Mali raw kasi ang ayos nya! Hay nako ang labo niya talaga. Pina dress ko na nga si Shamy tapos mali pa? Ano bang ayos ang gusto nya!? Ang ganda na nga ng ka loveteam ko eh puro pa siya reklamo.

"Hoy Brad!!"

Lumingon ako at nakita ko na si manager ang tumawag sakin. Nanggaling siya dun sa portable dressing room. Portable kasi tent lang siya na tinayo kanina, hahaha.

Ang inaasahan ko na si Shamy ang makakasama nyang lalabas sa tent ay nagkamali ako; lalaki ang kasama nya. Naka jersey at naka cap. Hmmnf, sino naman kaya to?

Papalapit na sila sakin. 

"Hoy asan si Shamy ha?!"

Sigaw ko habang papalapit din sa kanila.

"Oy Racky ako to!"

Sigaw nung kasama nyang lalaki na parang pikoy ang boses. Pero di ko lang siya pinansin paki ko sa kanya eh!

.

.

.

.

Lakad-lakad

.

.

.

.

.

.

Sawakas magkaharap na kaming tatlo ngayon hahaha.

"Brad di pa ba tapos si Shamy dun?"

"Tapos na brad."

"Eh kung ganon ba't wala siya dito?! At saka sino batong jologs na kasama mo?"

*toinks*

Waaah! Binatukan ako ng lalaki na kasama ni Chris! Aba nanghahamon ata ng suntukan to! Ang payat eh ang tapang ha! Isahan lang to sakin eh!

Umakyat na ang init sa ulo ko! Ang ayoko ko sa lahat ang ginagago ako!

"Oh pare anong problema mo ha!"

Sabay tulak sa kanya.

Napa atras naman siya sa pagkakatulak ko.

Pagkatapos nun di siya naka-imik, naka yuko lang sya. Ano to binatukan ako tapos duduwag-duwag!!? Akala ko ba matapang to wala naman palang binatbat eh!

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Where stories live. Discover now