CHAPTER 45 The Regret

80 3 0
                                    

+KINABUKASAN+

Hospital

SHAMY's POV

Andito kami ngayon sa hospital. Ako ang nagbabantay kay Chris simula pa kagabi at si Charie naman ang nagbabantay kay Racky.

Sa totoo lang wala pa akong tulog. Hindi kasi mawala sa isipan ko yung mga nangyari kahapon. Sobrang nakakatakot talaga, lalo na yong pag kidnap sakin. Pakiramdam ko mamamatay na ako.

*FLASHBACK*

Siguradong magugulat sila kapag nakita ako, hahaha. Hindi ko nalang hinintay ang tawag ni Racky, excited na ako eh, hehehe.

*diiing doong*

Hay nako nakakailang door bell na ako wala paring may nagbubukas. Baka walang tao?

"Miss sinong hinahanap mo?"

Tanong ng isang lalake na bigla nalang sumolpot sa tabi ko.

"Uhm, kina Racky po."

"Sina Racky? Nako wala sila diyan."

Sabi ng lalake na sumolpot sa kanan ko.

"Ho? Eh san sila nagpunta?"

"Sumama ka samin para malaman mo!"

Pagkasabi niya yan hinigit nila ang kamay ko kaya na bitawan ko ang bitbit kong box.

"AYOKO!!!!! WAG!!! TULONG!!!!! HMMN!!! HMMN!!!!"

Nagsisisigaw ako pero tinakpan nila ang bibig ko tapos pinasok na sa van.

"SHAAAMY!!!"

*END OF FLASHBACK*

Pagkatapos niyan, nakarating kami sa isang abandonadong gusali. Pagpasok namin, ang daming nakabantay na mga lalakeng may pamalo. Open space kasi kaya nakikita ko talaga sila.

Nang nakarating kami sa second floor, may isang kwarto akong nakita na pinapaligaran din ng mga bantay.

Pagpasok namin ay agad kong nakita si Charie at nakita rin niya ako. May panyo ang bunganga niya hindi siya makapagsalita, pero ang mga mata niya, nagsasabi na "Bakit ka nandito?!! Nadamay ka tuloy!!"

Sisigaw na sana ako pero nabigla ako kasi nagsalita si Chris. Natigilan ako sa sulok at hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya! Narinig ko ang lahat, kaya na galit ako, nalungkot, at na dismaya.

Pero matapos nang pagligtas niya kay Racky, parang nakalimutan ko na ang mga kasalanang nagawa niya. Ramdam ko kasi na nagsisisi siya, at isa pa alam ko naman na mabuti siyang tao. Napangunahan lang siya nang kanyang bugso ng damdamin. Bata pa kasi siya kaya hindi pa niya nauunawaan ang takbo ng buhay.

Hindi ko alam na ito na pala ang pinagdadaanan ni Racky. May nagtatangka na pala sa buhay niya dahil sa contest. Ni hindi ko nga alam na ang video na ginawa namin ay isasali pala sa isang contest. Nilihim nila sakin eh kaya wala akong alam.

Kaya pala sobra nalang kung makabantay si Racky sakin, ito na pala ang nangyayari. And again wala akong alam. WALA AKONG ALAM SA MGA NANGYARI SA KANILA DATI kaya nganga lang ako ngayon.

Akala ko pa naman puro lang saya ang buhay ni Racky. Akala ko perfect life na ang meron siya, pero nagkamali pala ako. Marami na pala siyang napagdaanan na kahit kailan hindi pa nangyari sa isang ordinaryong tao gaya ko.

Haist, nakakakilabot talaga ang mga pangyayari, hindi ko akalain na aabot dito ang lahat.

"Nang????"

Waaah! Nagising na si Chris! Agad akong nagsalita.

"Oo ako to. Wag kang mag-alala ligtas kana."

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon