CHAPTER 26 The Rivalry

143 2 0
                                    

+KINABUKASAN+

Perya

(Manila)

SHAMY's POV

Tulala ako, iniisip ko kasi ang time na magkasama kami ni Racky sa perya dati. Bakit naman kasi dito pa ang shooting eh!

*dug dug dug dug*

Hay, nakakatuwa talaga sya. Sana maulit muli un, yong pagsuka niya hahaha. De joke lang, ang ibig kong sabihin sana maulit ang pagkakataon na makapamasyal kami. Alam ko kasing di siya nag enjoy nun kaya gusto ko sanang makabawi sa kanya.

"Shamy oh?"

Inabot niya ang cotton candy.

"Wow my favorite, numnum to salamat ha?"

"Mahilig ka pala sa sweets?"

"Oo naman, I love sweets eh."

*whispering*"So meaning love mo rin ako?"

"Ano? May sinasabi ka?"

"Ha? Uhm wala ah. Lam mo ang cute mo eh noh?"

ang cute mo eh noh?

ang cute mo eh noh?

ang cute mo eh noh?

ang cute mo eh noh?

Waaah!! Na LSS na naman ako!! As in Last Sentence Syndrome.

"Psh bolero."

Sabi ko.

"Totoo naman eh. Kaya nga kitang kinuha as partner ko kasi alam kong bagay tayo."

Sabi niya kaya muntik na akong mabilaukan sa kinakain ko. Bakit niya ba kasi sinasabi ang mga bagay nato!? Kakilig tuloy wohoo! Kakatense.

"Shamy???"

Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Yep?"

Tanong ko.

"Sabihin mo lang kung gusto mo pa, ibibili kita ulit."

Sabi niya sabay hawi sa buhok. Shocks ang gwapoooo.

Ngumiti pa siya pagkatapos. Ang ganda ng ipin!

"Wag na ok na to. Balak mo naman atang magka diabetes ako!"

Naiinis kong sabi. Pero deep inside sobrang kinikilig ako hehehe.

"Alam mo Sham nagtataka talaga ako kung ba't ang sungit-sungit mo sakin. May nagawa ba ako?"

Seryosong tanong niya. Hala napasobra ba ang acting ko? Baka naiinsulto ko na siya sa mga pagtataray ko? Pero hindi ko naman pwedeng ipakita sa kanya na nagugustuhan ko siya! Hindi niya dapat malaman na naging fangirl niya ako.

"Shamy ba't natahimik ka dyan?"

Tanong niya.

"Ha? Uhm kasi/"

"Shamy! Brad!"

Yes dumating si Chris! Naputol ang usapan namin, hahaha buti nalang.

"Anong oras pa ba tayo magsisimula? Kanina pa tayo nandito eh."

Tanong naman ni Racky. Oo nga kanina pa kami dito. Ang usapan kasi 8:00AM pero 10:00AM na di parin kami nagsisimula.

"Maya-maya lang magsisimula narin tayo. Oh andyan na pala siya eh."

Nung sinabi niya yan, sabay kaming lumingon ni Racky para makita kung sino ang tinutukoy nya.

RACKY's POV

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora