CHAPTER 6 The Real Fantasy

387 3 2
                                    

Ahh hindi, hindi! NO NO! Paano naman mapupunta si Racky dito diba?!!

Tinignan kong mabuti ang itsura niya. GRABE KAHAWIG NIYA TALAGA SI RACKY! Carbon copy oh! Ang galing naman.

"Oy miss, wag mo ako masyadong titigan ng ganyan, baka matunaw ako."

Sabi niya.

"Hahaha, sorry ah. Kamukhang kamukha mo kasi si Racky, yung rapper, hahaha."

Sabi ko.

"Kamukha ka diyan, ako talaga to noh!"

Sabi niya.

"AANOO??! WEH?" O_o

"Ayaw mong maniwala?!! OH!"

Sabi niya sabay kuha ng dalawang kamay ko tapos ipinatong sa mukha niya.

Kinurot-kurot ko ang pisnge niya tapos pati ang ilong. Ang lambot tapos ang kinis, kutis artista.

"Ops tama na yan, halatang nacu-cutan kana sakin eh, hehe."

Sabi niya kaya bigla kong tinanggal ang kamay ko. Nakakahiya yung ginawa ko! Tsk!

"Ahh, ay sorry."

"Hehehe, oh ano naniniwala ka nang ako si Racky?"

"Bakit ikaw ba talaga?" O_o

Tanong ko.

"Hahaha. Ang kulit mo naman eh, gusto mo kantahan pa kita para maniwala ka."

Kakantahan niya ako?!! Waaah! Hindi baka lalo pa akong ma tense dito!

"Ahhh wag na! Naniniwala na ako! Oo, ahh, ikaw nga yon, hehe."

Sabi ko habang naka fake smile.

Woohoo, parang di ako makahinga ng maayos! Sobrang kinakabahan ako, huhuhu. Hala baka bumalik yong pagka-adik ko sa kanya tapos baka makagawa na naman ako ng bagay na ikakasira ko? Ohh no It can't be!

"Haha mabuti naman. Nag-iisa lang kaya ako."

Sabi niya. Pati pagtawa Racky talaga. Siya nga talaga! Ang dating kinakausap ko lang sa picture, ngayon kaharap ko na! Tsk, di ko na kaya to, aalis na ako.

"Ha? Ahh oo nga hahaha tama ka. Sige ah? Alis nako."

Sabi ko.

"Oy teka lang" hinawakan niya kamay ko "wag ka munang umalis."

Ang kamay niya! Waaah! Hinahawakan niya ako!

Pano nato? Bakit niya ba ako kinakausap?!!

Dapat di bumalik ang dating ako! Ayoko nang maging immature! Ayoko nang maging baliw wuhuhu!

AHA ALAM KO NA!

Susungitan ko nalang siya para malabanan to! Yeah, tama. Aarte ako na parang di ko siya gusto! Teka di ko naman talaga siya gusto ah? Hay ewan!

"Bakit ba?!"

Sabi ko sabay tapi nung kamay niya. Galing ko ah, hehe.

"Ang sungit mo naman."

"Hindi ako masungit! Psh."

Sabi sabay talikod pero hinigit na naman niya ako.

"Ano bang kailangan mo sakin?!!"

Tanong ko.

"May hinahanap ako at kailangan ko ang tulong mo."

Sabi niya kaya nagulat ako. Tulong?

Hindi pwede! Dapat makalayas nako rito.

"Ano? Wala akong panahon dyan busy ako!"

Sabi ko sabay talikod tapos lumakad.

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon