CHAPTER 46 The Box

48 4 0
                                    

+KINABUKASAN+


Hospital

SHAMY's POV

Napag-alaman ko na broken family pala ang meron si Chris. Nagpunta kasi rito ang mama niya kahapon kasama ang step dad niya. Tapos kagabi naman ang papa niya, kasama ang half sister niya.

Haist kaya naman pala di siya nagku-kwento tungkol sa pamilya niya, ito pala ang kalagayan nila. Kawawa naman.

"Chris eat na oh!"


Sabi ni Glenda.

"Ayoko sabi eh busog pa ako!"

"FINE!!!"


Sabi ni Glenda sabay patong ng pagkain sa table. Ano suko na siya? Hehehe.

Hay nako, ito talagang sina Glenda at Chris, di na titigil sa pag aaway.

Andito pala ang candies, sila ang kasama ko sa pagbabantay kagabi. Day off daw nila eh, hehehe. Si Racky naman ang nag-aasikaso ngayon ng music video. Mabuti na ngalang at nandun parin sa music studio ang mga clips namin, kung hindi baka nasayang lang ang lahat ng pinaghirapan namin. Si Charie naman kinamusta ang shop niya, mga isang linggo din kasi siyang nawala eh.

Ako naman di na nakaalis dito sa hospital. Nakausap ko na naman sina nanay sa phone, nakapagpaliwanag na naman ako kaya napanatag narin naman ang loob nila.

"Shamy, mauna na siguro kami kasi may duty pa kami mamaya eh."


Sabi ni Meilyn.

"Ahh ganun ba? Okey sige. Salamat sa inyo ha?"

"Your welcome friend, basta ikaw." - Meilyn


"Basta if you need us, just dial our number ha?"


Sabi ni Glenda.

"Hehe, thank you."

"Ang sabihin mo, just call my name and I'll be there. Pinahirapan mo pa sarili mo!"


Asar ni Vem.

"Psh, magkaiba yon!"

"Hay nako tama na nga yan, ayan na naman kayo eh."


Awat ni Meilyn. Kung wala siguro siya rambol na ang kinalabasan ng dalawang to.

"Oy Chris pagaling ka!"


Sabi ni Vem.

"Oo nga, para makapagbonding naman tayo." - Meilyn

"Sige, salamat ha? Ingat kayo."


Sabi ni Chris.

"Okey."


Sabi ni Meilyn tapos nag thumbs up siya.

"Good bye kiss daw sabi ni Glenda!"


Asar ni Vem. Hahaha.

"YUCK!!!"


Sigaw nina Glenda at Chris. Oo na, sila na ang pakipot to the max. Ang mga to di na nag-aminan eh halata namang gusto nila ang isa't-isa.

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon