CHAPTER 28 The Hide

Magsimula sa umpisa
                                    

Bumalik na ngalang ako sa pagpapractice, hmnf.

Inhale.

.

.

.

.

Exhale.

.

.

.

.

.

Pikit-pikit.

.

.

.

.

Ok ready na ako!

1, 2, 3 Game!

"Mahal kita, pero mas mabuti nang di mo alam."

Yumuko ako tapos, hinawakan ko ang dibdib ko, yong parang nasasaktan talaga ako. Hahaha, oh diba? Ang galing ko talaga.

*clap clap clap*

Natigilan ako kasi biglang pumalakpak si Racky. Hay nako nakakahiya!! Kanina niya pa pala ako pinapanood. Di ko manlang namalayan na nakapasok na pala siya rito sa kwarto ko. Hay tanga lang ang peg ha!

"Nice one, mukhang pang best actress drama natin ngayon ah."

Sabi niya habang nakangiti. Labas lahat ng ipin, ANG POGI!

"Wag ka ngang mang asar dyan! Subukan mo namang kumatok minsan noh?"

Sabi ko pero hindi lang ako nakatingin sa kanya. Nahihiya kasi ako hehe.

"Subukan mo rin kayang kumatok kung nakabukas naman ang pinto!! Bukas po kasi kaya pumasok nalang ako!"

Ang dami talagang palusot nito!

"Oh ganon ba? Bakit ka ba kasi umakyat dito?"

Tanong ko sabay tingin na sa kanya.

"Nandito ako para sabihin sayong..."

Dahan-dahan syang lumapit sakin.

Waaah! Ang mukha niya parang manyakis!! Waaah! Ito na ba talaga ang katapusan ko? Oh no!

Napa-atras ako hanggang sa dingding kaya napasandal ako dito. Habang siya naman, nasa harapan ko at kinorner nako ng dalawang braso niya kaya di ako makagalaw.

Parang nakayakap na siya sakin, hmmmn ang bango-bango niya ha.

"Hoy Racky pakawalan moko!!"

Sigaw ko, pero bakit ganito siya makatingin sakin? Ang mukha niya kasi.

Nilalapit niya ang mukha niya sakin! Waaah!! Di ko gustong makita ang mangyayari kaya napapikit ako. Ow em hahalikan niya ba ako!?

*dug dug dug dug*

.

.

.

.

.

.

.

.

Huminto ang bibig niya sa bandang tenga ko. Teka! ba't sa tenga?

"Subukan mo rin kayang hinaan ang boses mo kapag nagpapractice. Kasi may nag-aaral sa baba ma'am."

Waaah!! Ginawa lang niya pala yon para bumulong sakin! Akala ko hahalikan na ako eh napaka assuming ko naman oh.

"Try mo kayang pumasok sa school ulit? Di ka kasi napapagod mag-aral!"

Sigaw ko sa kanya, kasi naiinis ako!! Akala ko kasi may masama na syang balak sakin eh epic fail naman pala! Teka parang nagagalit pa ako na di niya ako hinalikan ah? Pero sana ako nalang ang humalik sa kanya no? Tulad nung ginawa ni Ms. Parker kahapon, kaso sa lips lang yung sakin para yummy mmnnn, waaah! No way!! Asa naman ako no!

"Hahaha. Bago ka magalit dyan, pahiran mo muna laway mo, tumutulo na eh!"

Hala nahalata niya na pinagnanasaan ko ang labi nya, waaah! OW EM!!

"Bago pa ako mapikon sayo bumaba kana! Panira ka ng araw eh."

Sigaw ko sa kanya. Kakainis talaga!


"Ang sakit mo namang magsalita. Dapat ang sabihin mo, ako ang bumubuo ng araw mo."

Sabi niya sabay hawi ng buhok. Iyong tipong nang-aakit! HAIST RACKY WAG GANYAN BAKA MA ADIK ULIT AKO SAYO!

"Ahh, ang lakas din naman ng hangin mo no? Resulta na ba yan ng katalinuhan mo?"

Asar ko. Sige lang idadaan ko na lang sa pagsusungit to. Baka sakaling mapigilan ko ang sarili kong gustuhin siya ulit!

"Hindi ah, resulta to ng kagwapuhan ko."

Sabi niya kaya kumuha ako ng unan.

"Wow feeling, baliw!"

Sabi ko sabay bato ng unan sa kanya pero nasalo lang niya ito.

Tinignan ko siya nang masama na parang galit talaga ako.

"Oy walang ganyanan! Sige na nga baba nako! Sungit oh."

Sabi niya sabay labas ng kwarto ko. Haha natakot!? Ang bad ko kasi hahaha. Tinaboy ba naman ang may ari ng bahay?

Natawa lang ako dun.

Pero infairness ang bango talaga niya at ang lamig pa ng hininga, KYAAAH oh no ano bang nangyayari sakin!? Kayo alam niyo?

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon