CHAPTER 27 The Kiss

Start from the beginning
                                    

First time nga naming magkakasama ng buong araw ngayon, kasi nga diba nung nakaraan, gabi na kami kung umuwi.

*diiing dooong*

"Oh may nag do-doorbell."

Sabi ko.

Sinilip niya sa bintana para malaman kung sino.

"Si Charie yong nasa labas, ako na magbubukas."

Sabi nya.

Waaah! Ano si Charie? Patay!! Pag nalaman nyang magkasama kami ni Racky sa iisang bahay, mas lalong magagalit un! Ayoko ng gulo!!

"Ano kamo si Charie? Teka lang Racky magtatago lang ako!"

"Ano ba't ka magtatago?"

"Basta! Wag mo nalang sabihin na magkasama tayo dito."

"Ano bang nangyari?/"

"Tama na maraming tanong, sundin mo nalang ako please?"

"Ok ok, usap tayo mamaya tungkol dito."

*diiing dooong*

"Ayan na! Sige! Lumabas kana dun."

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto at ni lock ang pinto, mahirap na!

Sa totoo lang natatakot ako kay Ms. Parker, ewan ko ba, nararamdaman ko kasi na siya ang magiging kontrabida ng buhay ko. Feeling ko, kayang kaya niya akong saktan, physically and emotionally. Kaya mas mabuti na ang nag-iingat. Mahal ko pa ang buhay ko.

Ms. Parker na ang tawag ko sa kanya kasi di ko na naman siya kaibigan para maging ate ko.

RACKY's POV

Ano bang mali kay Charie at ba't pinagtataguan ni Shamy? Hmmnf nakaka intriga.

Binuksan ko ang gate.

"Goodmorning Racky."

*chupp*

Waaah! Hinalikan niya ako sa pisngi! Aba bago to ha! Dati beso lang pero ngayon kiss na. Nag level up na ba talaga ang pagtingin niya sakin?

*dug dug dug dug*

Lang hiya ang puso ko!! Pagkahalik niya sakin parang nakuryente ako, waaah! Di pwede to, kasikatan ko lang ang gusto nya! Napanood ko nato sa tv eh.

"Ba't moko hinalikan?"

Tanong ko.

"Uhm, gusto ko lang, iparamdam sayo na kung gano kita mahal."

Maraming beses na nyang sinabi to sakin pero di ko talaga kayang maniwala.

"Pasensya na wala akong panahong pag-usapan yan."

"Bakit hindi mo na ba ako mahal?"

Hindi ko alam.

"Pupunta na naman ba tayo dyan? Alam mo na naman ang isasagot ko diba? HINDI na Charie."

Yumuko siya at nakita kong tumulo ang luha sa mga mata nya.

"Charie, di ko gustong saktan ka pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sayo ngayon."

"Sorry Racky *sniff* masyado ata akong mapilit, hehe(fake laugh to) Sige mauna nako, sorry ulit."

Sabay pasok sa kotse.

"Ingat ka."

Yan lang nasabi ko. Sa totoo lang di ko pa alam kung mahal ko parin sya, basta ang klaro lang sakin ngayon, nagugustuhan lang niya ako dahil sa di na ako ang batang uhugin na nakilala niya dati.

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Where stories live. Discover now