CHAPTER 15 The Time to Shine

Start from the beginning
                                    

"Pasok ka po ma'am."

"Sige po salamat."

Sumunod nako sa maid papasok ng bahay. Maka Tunaw naman siya kanina super shortcut yon ah.

Nang nasaloob nako, nakita ko kagad si ma'am na pababa ng hagdan. Ang ganda ganda niya talaga kahit na malaki na tyan nya, para parin syang diwata.

"Goodafternoon po ma'am."

"Goodafternoon din, upo ka."

At umupo na nga ako. Nilagay ko muna dala ko sa gilid ng sofa, mamaya ko nalang siguro ibibigay pag umalis nako. May juice na at sandwich sa table. Mukhang ma haba-haba tung pag-uusapan namin ah. Ano naman kaya yon?

"So Shamia kamusta ang pagtuturo?"

"Uhm, ok naman po ma'am nakakapagod pero masaya."

"Buti naman kung ganon, hmnn. Why this profession very important to you?"

Loading

.

.

.

Ano raw? Parang di ko na process ang question nya, wehehe nag lo- load pa ata sa utak ko eh.

"Please pardon po ma'am?"

"Why this profession very important to you?"

Haaah!? Bakit ngaba? Hmnf.

Thinking

.

.

.

.

.

.

"This profession is very important to me because I believe that this is the best way which will help me to have a better life someday. This is also my passion, love, dream and interest; I would like to show to everyone that being a teacher is not an ordinary task. It is something special, unique and essential to everyone, which we can be proud of."

Sabay kuha ng juice sa table at ininom. Grabe para akong nasa hot seat nito. Wooooh!! Penge ako tissue dyan dumudugo na ilong ko.

"That means, you are willing to accept this profession for life?"

"Of course ma'am, precisely. "

Wow ha may pa precisely pa akong nalalaman, hay nako ano ba tong iniisip ni ma'am? Kinakabahan na ako ha.

"If that so, what can you see yourself 20 years from now as a teacher?"

Uminom ulit ako ng juice huhuhu. Di ko naman alam na interview pala to sana di nalang ako pumunta, huhuhu. Pero hindi kailangan kong gawin to. It is my time to shine! Echos.

Thinking

.

.

.

.

.

"20 years from now, I am not only teaching lesson from book references, but teaching LIFE through my own experiences."

"Wow nice Shamia, you really made me impressed."

Na impressed ko raw sya? Ang ikli nga ng sagot ko eh.

"Nako sure ka po ma'am?"

"Hahaha, you need to open your eyes and let your self witnessed your own potential. But for now, I would like to say. Congratulation."

Nag smile siya sakin at nag shake hands kami, pero parang hindi ko parin maintindihan ang sinabe nya.

"Pero ma'am, para san po ba ang congratulation?"

"Sham, I know, you really deserve to become a teacher, so I choose you to replaced me PERMANENTLY."

"Permanently? Ma'am What do you mean?"

"I am going to resign."

I am going to resign.

I am going to resign.

I am going to resign.

WHHAATT!? Mag re-resign si ma'am?!?

"Pero bakit po ma'am?"

"Gusto kong alagaan ang mga anak ko, esp. this baby. Ang asawa ko rin ang nag decide na maging housewife nalang ako para maalagaan kong mabuti mga anak namin. Kararating niya lang kasi galing states kaya gusto niya palagi kaming magkakasama.."

"Ay talaga po? Kahit nakakalungkot na magreresign na kayo ma'am, masaya parin po ako para sa inyo kasi kompleto narin ang pamilya ninyo."

"Oo nga, Sham, just take good care of my place sa school ha? Please do love your work."

Teka, ano ang ibig sabihin dito ni ma'am? Kanina pa ako naguguluhan, baliw na ba ako?

"Ano po ba ang ibig nyong sabihin?"

"Shamia, ikaw na ang papalit sakin. Magiging teacher kana forever!"

Tama ba tong narinig ko? Teacher na ako?!! Waaaaaah.

"Talaga po ma'am? Waaaah maraming salamat po ma'am!! I owe it to you ma'am!"

I hugged her with teary eyes. Ang saya saya ko talaga. Matutupad narin pangarap ko. Wala nang may tatapak sa pagkatao ko dahil teacher na talaga ako!!

"Shamia why are you crying?"

"Wala ma'am *sniff* masaya lang po ako. *sniff*"

"Tahan na. Ayoko kong makakita ng babaeng umiiyak."

"*sniff* Ok po ma'am. Thank you po talaga."

"Your welcome at saka Brennah nalang tawag mo sakin, nakakailang kasi kung ma'am hehehe."

"Ok po ma'am Brennah."

"Brennah nalang nga."

"Ay, hehe Brennah."

"Ayan, maganda kung cheerful ulit mukha mo."

"Thank you po, uhm by the way [kinuha ko ang mga unan] Brennah para sa inyo po."

"Oh para samin pala mga to? Ang cu-cute namin neto nako nag abala kapa."

"Gift ko po sa inyo ma'am, god bless to your family. Sana mamuhay kayo ng masaya together."

"Thank you so much ha, at saka iingatan ko ang mga unan nato."

"Ako nga dapat mag thank you sa'yo ma'am, tatanawin kong malaking utang na loob to ma'am. Kulang pa ang mga unang yan para masuklian ko ang kabaitan nyo."

"Shamy, wala kang utang sakin pinaghirapan mo yan."

"Basta ma'am, thank you talaga. "

"Ayan ma'am na naman, mahirap ba talagang bigkasin ang pangalan ko? Hahaha."

At natawa naman kami dun. Pero alam nyo parang nakita ko na talaga siya eh, nararamdaman ko, hindi ko lang matandaan.


Ay ewan! Baka na amaze lang ako sa mala anghel nyang mukha, ang ganda talaga nya. Kung pwede lang manghingi ng kagandahan ay humingi nako sa kanya kahit 1/4 lang hehehe.


Nag-usap pa kami tungkol sa mga bagay2x. Mga ilang minuto, nagpaalam narin ako pero may inabot siya sakin, isang sobre, ano naman kaya to love letter? Hehehe. Mamaya ko nalang to bubuksan.


Hindi talaga mawala ang saya sa mukha ko hehehe. Mas sobra pa nga sa sahod na inasahan ko. Kayo ba naman magkakaroon nang permanenteng trabaho di magiging masaya? Hahaha. Pero ahai, sure ako na ma mimiss siya ng mga students nya, ang alam kasi nila babalik pa sya.

Ano ka ngayon Racky? Kung di mo ako inaway matutulungan pa sana kita! Teka, stop thinking about that guy nga Shamy! Mababadtrip kalang! Just focus for tomorrow at wala na siya sa mga susunod na kabanata ng buhay mo. Pati kayo mga readers ha? Kalimutan nyo na ang boy suka at alien na yon! Remove na siya sa cast dito, wala na syang scene pinapatay na siya ni miss author! Bwahahaha.

When A Fan Falls In Love (Former: The Rackylovers)Where stories live. Discover now