I wrote down the words:

HILAHIN NIYO YUNG LUBID! AAKYAT AKO! ---Rein

Ibinalot ko ang papel sa isang bato at kinuha ang lubid. Itinali ko ito sa bato at umatras. Inside my head, I'm calculating everything and applying what my boring Physics teacher taught me in high school. Minsan kasi, nakakasakit ng ulo ang mga numero kaya't kailangan ko ring pigain ang utak ko. I took up Engineering, but that doesn't mean I like numbers as much as my classmates do.

"Arithmophile, a person who loves numbers."

Nang matansya ko na ang distansya ng bintana mula sa lupa, mabilis kong ibinato ang bato at umasang wala akong matatamaa---

"ARAY! Sinong nambabato?!"

Oops! Too late.

Nabasag ang bintana at naroon na ang kabilang dulo ng lubid. I waited until someone read my note. Ilang sandali pa, kumaway ang isa kong kaklase at nag-thumbs up pa sa'kin. Wala akong inaksayang panahon at pinulupot ang lubid sa baywang ko bago ako tulung-tulong na hinila pataas ng mga kaklase ko.

I gripped the wall for support until I hoisted myself up the window sill.

"Success!"

Malawak akong ngumiti, kaso agad akong napatid sa batong nakakalat sa sahig. I stumbled ontop of my classmate. Napahiga kaming pareho sa sahig. Bakit parang malambot?

"U-Um, R-Rein.."

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kong nakasubsob na pala ako sa dibdib ni Pamela. Shit. Natataranta akong tumayo at nahihiyang nag-iwas ng tingin. I can feel my cheeks flushed in embarrassment. Why are women's boobs so...soft? Napalunok ako at tinulungan siyang tumayo. "S-Sorry, Pam. H-Hindi ko sinasadya! 'Yong bato kasi!"

But to my surprise, the angelic Pamela Lavista just giggled and smiled. "Okay lang, Rein. N-Naiintidihan ko naman."

"So, you won't drag me to the Disciplinarian's Office or file a case against me?"

"Of course not, silly! Hahaha!"

She's such an angel. Nasabi ko na ba sa inyong crush ko siya? Well, now you know. Since elementary, Pamela and I found ourselves stuck in the same classes. She's a bit shy, but compassionate. May kaya sila, kaya't madalas na tumutulong sa mga mahihirap ang pamilya niya. She even volunteers at animal shelters and gives her money to charitable institutions! She's beautiful, inside and out.

Ang rason kung bakit ako NGSB ay dahil sa kanya. I want to court her and marry her after college. Sana lang ay mabawasan na ang pagiging torpe ko para hindi masayang ang mga plano.

"Pam, may gagawin ka ba sa Saba---"

"Mr. Aristello, kung tapos mo nang landiin ang unica hija ko, you can sit down and listen to our discussion."

Napalingon ang lahat sa prof namin na nakasimangot na. His sharp eyes are enough to make me take several steps away from his daughter. Damn, this is awkward! Kabado akong sumaludo kay prof at ngumiti. "Yes, sir."

Pamela smiled at me and went to her seat.

Napabuntong-hininga ako. Well, at least I made it to my class. That's an achievement.

Pero habang nagsasalita si Prof Lavista sa harapan, hindi ko pa rin magawang makinig. Naaalala ko pa rin ang nabasa ko kanina sa dyaryo. Kinabahan ako nang mabasa ko ang tungkol sa tunog ng mga ahas. 'A man turning to stone, a woman with green hair, and the sound of hissing snakes?' I hate to admit this, pero mukhang hindi nga nagsisinungaling si Desmond sa'kin.

Mukhang totoo nga si Medusa.

*

Matapos ang klase namin, hindi ko ikinakahiyang aminin na isa ako sa mga estudyanteng nauuna sa paglabas ng classroom. But when Prof Lavista called me and requested I stay behind, alam kong may kasalanan na naman ako sa kanya. Malamang pagbayarin niya pa ako sa nabasag na salamin. Langya, wala pa naman akong pera ngayon! Tsk.

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now