Sinipa ko 'yong pinto na naging dahilan para mapaatras siya. Desmond nervously laughed. "Uy, b-bakit parang bad mood ka yata ngayon? M-May nangyari ba?"

"Nabasa ko yung sulat mo."

"Oh."

"Anong 'oh'?! Damn it, Mond! Ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo noong wala ako?! And stop pranking me with this kind of thing! Hindi na nakakatawa. Dinamay mo pa si Mang Rico, eh nananahimik na nga yung tao."

Napabuntong-hininga si Desmond at matamlay na umupo sa gilid ng kama niya. His room was similar to mine, though instead of colored notes and books, his bedroom walls were a bare shade of purple. Bago ko pa man mapigilan ang sarili ko, my mouth blurted out, "Porphyrophile, a person who loves the color purple."

Natahimik si Desmond. Mayamaya pa, natawa siya.

"Hahaha! Ang weird mo talaga 'tol. Hindi mo pa rin ba naaalis 'yang mannerism mo na iyan?"

Tsk.

"Don't try to distract me, you freakin' asshole! Hindi ito ang oras para pansinin ang mannerism ko!"

You see, I have this strange mannerism of blurting out philias. Ang isang "philia" ay maituturing na psychological disorder kung saan nahihilig ang isang tao sa mga bagay-bagay. Halimbawa, ang tawag sa kondisyon ng pagkahilig sa mga libro ay "bibliophilia", kaya't ang terminong ginagamit sa mga taong may ganitong kondisyon ay "bibliophiles". I've been addicted with this sort of thing since elementary. Hanggang ngayon, pinaghihinalaan kong ipinaglihi ako ng nanay ko sa mga philias at psychology books.

Nang makita ni Desmond na wala akong planong palampasin ang kalokohang ginawa niya, mabilis na nawala ang kanyang ngiti. He sighed and ran a hand through his brown locks.

"U-Um.. Okay! Fine. Geez. Hindi ko naman kasi alam na si Medusa talaga 'yon! Malay ko ba kung nakasinghot lang ng katol yung babae? She looked too pretty to be a monster!"

"Hindi totoo si Medusa! Kung gumagawa ka lang ng kwento para inisin ako, stop. It's not funny anymore, Mond."

"Gumagawa ng kwento? Psh! Then how can you explain this?" At ipinakita niya ang mga pasa sa kanyang leeg. On his skin, dark bruises appeared.

Naalala kong bigla ang sulat na binasa ko.

'Sinakal nga pala siya ni Medusa..'

Nanlaki ang mga mata ko. Damn. Bakit ba pakiramdam ko hindi siya nagbibiro? Napalunok ako. Gusto ko sanang kumbinsihin ang utak ko na nananaginip pa rin ako, pero kahit na pasimple ko nang kinukurot ang braso ko, wala pa rin. Kung tumalon na lang kaya ako ng bintana? Baka-sakaling magising ako. This is just a dream right? Nothing bad's gonna happen!

Still, something in me told me otherwise.

"S-So, it's true? Hindi mo 'ko pina-prank?"

Malungkot na ngumiti si Desmond. At sa unang pagkakataon sa ilang taon niyang panggagamit sa'kin para pagkakitaan niya, he looked somewhat apologetic.

Shit.

"Pre, mukha lang akong pera, pero hindi ako sinungaling! Baka nga siya yung pumatay kay Mang Rico eh.. alam mo bang nasa headline na yun ng The Eastwood Daily?" He looked away. Guilty. "She's gonna get you. One of these days, Medusa will knock on your door and drag you to the Underworld."

Kinilabutan ako sa narinig ko. Gusto ko mang sapakin ang siraulong 'to na ibinenta ako sa tumatagingting na 250 pesos (Seriously?! Ang mura na pala ng puri ko!), hindi ko na ginawa. Nanghihina akong naupo sa gilid ng kama niya't mahinang napamura.

Parang may galit yata sa'kin ang mundo ah?

Noong nakaraan, tinanggal ako sa part-time ko dahil palagi akong late mag-shift. Tapos noong isang araw, pinauwi nila ako sa Tarlac para sa burol ng tito ko. Ngayon naman ibinenta ako ng sarili kong kaibigan sa isang mythological creature! Damn it. Why couldn't things go the way I want them to?

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now