“Emergency kasi, tumawag si Ate. Business matters. Mukhang nag-eenjoy ka pa naman dito, maiwan ka na muna.”
“Eh pano naman ako uuwi sa Manila! Paglalakarin mo ko? Baka naman daigin ko yung Death March ha.”
“None of my business.”
“None of my business mo mukha mo! Sagot mo kaya ako. Sayo ko hinabilin ng kuya ko, kaya responsible mo ko. Whether you like it or you like it, you will like it.”
“Then pack your things. In 5 minutes, we’ll leave.” WOAH! Ade takbo naman ako para hakutin lahat ng gamit ko. Dampot, tapon. Dampot, tapon. Whoooo! In 3 minutes, nakapagimpake ako. Gravetih!
“Oh, tawa-tawa ka jan? Tapos na boss.” Pinagpawisan ako don ha! Samantalang sya, nakatingin lang sakin habang nagiimpake ako kanina.
“I was just joking when I said we’ll leave in 5 minutes. Pffvt. But since you’re done, let’s go.”
AYYYYYYYY BWISIT! Hudas barabas hestas! Madapa ka sana!
Nagpaalam na kami kela Mang Vicente at Aling Sena tapos nagpasalamat na din. Nagpabaon pa sila ng mga kung ano-anong kakanin at pagkain. And our long journey to Manila started.
FAST FORWARD…..
SocSci nanaman, dada ng dada si Ma’am kahit walang nakikinig sakanya. Tapos na ang maliligayang araw, tapos na ang sembreak. Inaantok talaga ko, buti na lang last subject na ‘to. 15 minutes na lang! Dalian naman oh! Hayyyyy! Bibigay na yata yung mata ko, hindi ko na kaya…
Sige pa Elle! Nag-aaral kayo oh. Study… study… stud…. Stu… st….. s…. sl…. Sleep… sleep… sleep….
“Miss Elle.”
Oh, pati ba naman sa panaginip ko naririnig ko boses ni Ma’am? Naman Ma’am, give me a break! Luh, ano daw? Hahaha.
“Miss Elle!”
Ano ba kasi yan, ang ingay. Lichi naman oh.
“Miss Eunice Marie Elle Marquez!!!!”
Shit, totoo nga yata ‘to. Hindi ka na nananaginip Elle. Isip nan g palusot, dali!!!
Nagsign of the cross ako sabay sabing, “Amen.”
“And what do you think you’re doing Miss Marquez?” Trying hard naman si Ma’am na ikunot yung noo’t kilay nya, eh pencil lang naman yung pekeng kilay nya. Dinaig pa si Mona Lisa.
“Ma’am, nagdadasal po.”
“This is not joke time. You’re sleeping in my class!”
“No, Ma’am. Pinagdadasal ko po talaga kayo Ma’am tsaka yung baby sa tiyan nyo. Ilang months na nga po kasi ulit yan Ma’am?” Mukhang namula si Ma’am at nagtawanan ng tahimik yung mga kaklase ko.
Ack! Hindi nga pala buntis si Ma’am. =___________= Natural na pala yung layers nya sa tiyan. Eh kasi naman e, parang 9months na yung tiyan nya eh.
“Ginagalit mo ba ko Marquez? Nasan yung assignment mo, ilabas mo.”
Gusto ko nang maglaho dito sa kinatatayuan ko. Wala nga pala kong assignment, shitbrix. Dahilan pa, Elle! Dali na!
“Ma’am, I’m sorry. Nawala ko po kanina yung assignment ko nung nakikipag-away ako.”
“Nakikipagaway?! O_________O What kind of behaviour is that, Miss Marquez? The last time I checked, you’re such a fine lady. And now, you’re involved in a fight?!”
“Eh Ma’am naman, panong hindi ko aawayin. Eh sabi ba naman kasi, hindi daw kayo yung best teacher sa Bridgewood.” Tawanan ulit mga kaklase ko.
“To detention Miss Marquez!”
“Pero Ma’am----“
“Now!!!!!”
Kinuha ko yung bag ko at umalis ng classroom. Jusko naman, 5 minutes na lang mag-eextend pa ko ng 30minutes sa detention. Leche naman yan oh!
Pagkapasok ko ng detention, parang gusto ko nang bumalik na lang ulit sa klase ni balyena este ni Ma’am. Nakakatakot. Eto na yata yung mga tapunan talaga ng mga patapong mga estudyante sa BA. May mga piercings yung iba, may mga kulay yung buhok at parang mga kabayo. Ah basta! Worse than you can imagine!
“Oh, we have a new comer. Miss Marquez, it’s shocking to see you here. Sit, sit.” Sabi nung teacher na mukhang napunta na lahat ng stress sakanya.
Humanap ako ng upuan na malayo sakanila. Yung mga tingin nila, parang kakainin na ko ng buhay. Ack! Lord, save me! Nakakakilabot yung tingin nung iba, parang hinuhubaran na ko sa isip nila eh. -__-“
Nung pagkaupo ko, nagsimula na ulit magdiscuss si Sir. Kinuha ko na lang yung cellphone ko at nagbasa ng mga text. Sila Allison, Gorje, Lance, at Jelo tinext ako ng thumbs up. Thumbs up? Yea, mukhang nag-enjoy kayo sa show kanina ha. -_______________-“
Yung isang text pa, galing kay Yuki. Nakalagay, “Noona! Ingat ka po jan! Scary mga people jan!”
Conyo ba you? Scary ba talaga like they’ll make chop-chop to me and then make kain to my kamay and feet? Baliw talaga si Yuki.
“Hi Miss, this is crazy but here’s my number so call me maybe?” Sabi nung isang lalaki na inusod yung upuan nya katabi ko. May sumunod pang isang lalaki. 4 words: Hindi sila mukhang tao. Pwede ba! Shoooo! Shoooo! Chupi na!
“I know you’re crazy, ‘cause it’s obvious, don’t need your number, get lost now baby.” Oh wag nyo na kantahin, magpapauto pa kayo sakin eh.
“Ang tapang mo miss ha.” – creepy guy 1.
“Tigilan mo na nga yan, maliit naman boobs e. Wala tayong mapapala jan.” – creepy guy 2. O________O Kalma Elle, kalma. “Maliit pa yung pwet, flat na flat lahat. Ano ba yan.”
“Eh trip ko ‘to pre eh, hayaan mo na ko. Akon a titira dito, don ka na.” – creepy guy 1. What the! Tumayo ako ng upuan at lumingon naman si sir. Pero mukhang takot sya dito sa mga nangmamanyak sakin, kaya tumalikod na ulit sya at nagsulat.
Aalis na sana ko nung hinawakan nya yung kamay ko para pigilan ako. “Bitawa------“
“Bibitaw ka o babaliin ko yang buto mo?” sabi nung lalaking may hawak sa braso nung creepy guy.
“Oh, another new comer.….” lumingon si sir para tignan kung sino. “Mister Guzman?” O__________O “What brings you here?” Napahawak na lang si sir sa noo nya dahil sa sobrang pagtataka. “End of the world na ba?”
Sinong hindi magtataka kung yung pinakamatalino lang naman sa Bridgewood Academy ay nasa detention, hawak-hawak ang braso ng lalaking nangmamanyak sakin.
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #34 (I'm too young to die)
Start from the beginning
