"Bebot?" tanong ni Gorje don sa suhestiyon ng kapatid nya.
"Ano ba, hindi ba kayo nanunuod ng Eat Bulaga! Bebot. Yung pageant ng mga lalaki, pero they'll dress up as girls. Yung gagawin natin, may mga manager sila na magdedress-up at magmemake-up sakanila to make them look like girls. Yon!" paliwanag ni Allison.
"Nah, don't count me in." - Rence.
"Ayoko din. Wala naman akong mapapala jan, magmumukha lang akong katawa-tawa." Lanz sabay tungga don sa hawak hawak nyang coke in can. Nilipat nya sa ibang channel at nanuod sa HBO.
Wow, feel at home lang talaga? Haha.
"Eeeeh! Sali na kayo, sige na! Masaya naman 'to e, diba Jelo Loves?" humarap si Gorje kay Jelo na nakapulupot ang kamay sa bewang nya. PDA masado 'tong dalawa na 'to ah. Oh bitter lang ako? Nah, di rin.
"Ah.. Eh..." Napakamot sa batok nya si Jelo. Hindi din yata sang-ayon 'tong si Jelo, haha.
"Rence, sali ka na pleaaaase??? Dali, ako yung magmemake-up sayo para gumanda ka!! Hihihi ^___^V" - Yuki.
"Mas lalong ayoko kung ikaw lang rin. -___-" - Rence.
"Yaaaaaah~ Meanie >3<" - Yuki.
"Shin, pilitin mo naman sila oh! Sige na. >___<" - Allison na nakaparang praying position pa ang kamay.
"I'm not also interested in that idea." - Shin.
"Hayyyyyyyy. Nakakatampo naman kayo guys eh." - Allison.
"Iba na lang kasi. Parang lugi naman kami don sa pageant na yang sinasabi mo. What will we get from that? Nothing!" - Rence.
Wala naman nga kasi talaga silang mapapala. Kami, meron. >:))
Una, pwede namin silang picture-an at ibenta sa mga fans nila. Oh diba? Yumaman pa kami! Tho mayaman na kami. Pero, I'm sure magiging viral yon at magiging laughing stocks sila sa school. That's what we call FUN. Hahahaha, I'm so bad.
Pangalawa, ang dami lang siguro naming tawa kapag nagdress silang babae. Diba nga, laughter is the best medicine? Oha! Ade nakatulong pa sila samin, kung may sakit man kami. Hahaha.
"Eh kung ganto na lang.. The losing pair would have a punishment." suhestiyon ko.
"What kind of punishment naman, Ate Elle?" tanong ni Yuki. Oo nga pala, siguro nagtataka kayo na mas bata samin si Yuki pero kaklase namin sya. MATALINO kasi sya. Advanced na masyado ang utak, kaya nagaccelerate. Ang galing no? Ako kaya, pwede sa ganon? Yea, yea, asa boy. Haha!
"Uhh.." Wala din kasi akong naiisip pa. Nagsuggest suggest pa ko! hahaha.
"1 week slavery!" - Sigaw ni Rence.
Kaming lahat ---->( -___-???????)
"Diba nakasalalay naman sa magiging "manager" namin kung magmumukha kaming babae or gagaganda kami. Yuck, nakakadiri pala sabihin yon. Anyway, so yun nga. Kung alin ang losing team, magiging slave naming lalaki yung manager. Kasi sila may kasalanan non kung bakit natalo eh!" - Rence.
Mautak. Mautak. *tango, tango*
Pero...
"Hell no! Bakit kami magiging kasalanan non? Eh pano kung pangit lang talaga kayo kaya hindi nanalo? That's unfair!" - Allison. Alam nyo, pwede na talagang maging aktibista 'tong si Allison.
"Yung gantong mukha? You must be blind, Miss Venice Allison Smith." Rence na tinuro pa talaga ang mukha.
"Stalker." Bulong ni Allison.
ESTÁS LEYENDO
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
