"Waaaaaaaaaaaaaaah! Nasan na ba kasi ako? Sinusunod ko naman yung nakasulat dito sa binigay na address ni Mama ah. Nawawala na yata talaga ko."
TT______TT
Mukha na kong tanga dito sa gitna ng kalye habang kinakausap ko ang sarili ko. Bakit naman kasi ang shunga shunga ko pagdating sa mga directions e. Wala pa man din akong kasama pabalik dito sa Pinas.
Ayon, magtatanong na lang ako kay manong na nagtitinda ng candy.
"Manong. Pwede pong magtanong? San po ba yung Silvergrey Hotel?"
"Ah, deretso ka lang tapos liko ka sa unang kanto pakanan. Tapos may makikita kang sign don na Balye street. Derederetsuhin mo lang yung street na yon, makikita mo na yung SilverGrey Hotel. Mejo malayo layo nga lang hija. Magtricycle ka na lang."
@_____@
Ano daw sabi ni Manong? Huhu. Wala naman ako naalala e. Amp!
Pero yun lang din naman yung nakasulat sa papel kung saan nakadrawing yung address. Ewan ko ba kung bakit pa 'ko naligaw sa lagay na yon! Take note, nakadrawing na ha.
"Uh.. Eh, thanks manong."
Nagsimula na kong maglakad.
Nga pala, ako si Eunice Marie Elle Marquez. Elle for short. Pure Filipina talaga ko, pero tumira kami sa Korea nung namatay si Papa when I was still 3yrs. old dahil sa lung cancer. Pero ngayon, nagbabalik ulit ako dito sa Pinas at dito ko na din ituloy ang pag-aaral ko. Actually, kaya lang naman ako nagpilit na dito mag-aral sa Pinas dahil may hinahanap akong lalaki. Yung first love ko. Malaki kasi yung nagawa nya sa buhay ko kaso bigla bigla na lang siyang nawala. Nun pala pumunta na yung pamilya nya sa Pilipinas ng wala man lang pasabi. Hindi man lang nga nya nalaman na mahal ko sya eh. Sabagay, bata pa naman kami non. Naiwan si Mama sa Korea kasi may iba pa kaming business doon. Yung kuya ko naman, kahit college pa lang, sya na yung pinahawak ng business namin dito sa Pinas. At yon na nga yung hinahanap kong hotel namin, ang SIlverGrey Hotel..
*grug, grug, grug*
Kulog ba 'yon? Pero maaraw naman.. Ay shunga! Tyan ko pala yon.
Kanina pa kasi ako palakad lakad, hindi pa pala ko nakakain. Si Kuya naman kasi eh! Hindi pa ko sinundo. May kung anik na meeting daw siya. Sumakay naman ako ng taxi mula sa airport, kaso dahil nagkandaligaw ligaw na ko, ang laki na ng babayaran ko. Kaya nagpahinto na lang ako kung saan. Kuripot alert!
Yowwwwn! May 7/11 sa may kanto. Sakto!
Habang nagbabayad ako sa cashier, may nakasabay pa kong pogi. Heeee! Model kaya 'tong si kuya? Pati yung ibang tao, pinagtitinginan na sya. Napapalakas na nga yung bulungan nung iba sa sobrang kilig e. Kaso para namang ang sungit sungit. Pero.. kasi.. parang may kamukha sya we.. Hay! Bahala na nga. Basta ako gutom!
Tumingin sya sakin. Tapos lumihis na ulit ng tingin.
Homay! May dumi kaya ako sa mukha? Baka naman may naapakan akong pupu tapos nabahuan sya. O kaya baka nagandahan lang.
Assumera much! Hahaha
"Strawberry..."
Nagsalita si kuyang pogi. Pero.. Ha? Anong sinasabi nya?
Napatingin ako sakanya. Magkasalubong yung kilay.
"Yung ano mo.." Napatingin sya sa may ano ko. Sa may bandang baba.
"Aaaah! Manyak!!" Napasigaw ako ng malakas. Tinginan tuloy yung mga tao. Pero kalmado pa din sya. Poker face.
"Yung zipper mo kako."
Hinawakan ko bigla yung zipper ko. Bukas nga. Anak ng tokwa!! Nakakahiya!! Eksena pa ko dito. Nagtatawanan tuloy yung iba.
( /o\ )
"Ay. Sorry.... Ate, eto pong bayad ko."
Nagtatakbo na ko palabas ng 7/11. Pwede na ba kong himatayin? Pak naman oh!! Nakakainis pa!! Teka.. Ano bang sinasabi nyang strawberry?
?_____?
Shemay!! Strawberry. Strawberry prints yung suot kong undies. Aaaaaah! Manyak nga!! Pag nakita ko yon, sasapin ko talaga yon. Marunong yata ko ng taekwondo no! Kala nya!!
Sandali lang ubos ko na din yung sandwich na binili ko. Para ngang isang subuan lang e. Gutom much ba? Tapos... nakita ko na din yung hotel. Thank u Lord!! May maganda naman palang mangyayari ngayong araw.
Pagpasok ko...
"Good Afternoon Maam Marquez!" Nakapila lahat ng staff ng deretso tapos nakabow. HIndi naman nila masyadong pinaghandaan yung pagdating ko no? Kahiya naman sknla. >___<
Papalapit na sakin si Kuya. Pati sya, pinagbubulungan ng mga tao. Ngayon lang nakakita ng pogi? Nasa lahi yata namin yan! Hahaha. Di ko nga alam kung kalahi nila talaga ko we. LOL
"Woooooow. Namiss ko 'tong bulinggit kong kapatid!" Sabay hug sakin. "Hindi ka pa din ba tumatangkad?" Sabay tawa ng malakas.
"Kuya naman!!!! Tumangkad kaya ko no. Mga 10 cm. Oh pwd na yon dba!"
"Haha. Napakaingay mo pa din. Makasigaw, kala mong nasa kabilang ilog yung kausap mo we."
"Eh ikaw kasi! Tsaka.. gutom na gutom kaya ako!! Sandwich lang kaya kinain ko. Hindi naman masarap yung pagkain sa eroplano! Pakainin mo nga ako. Ano bang meron dito na pwedeng malamon? Yung masarap ha!" Parang machine gun na yung bunganga ko. Actually, lagi naman e. Namiss ko din kasi si kuya. Pati gutom pa din talaga ko.
Tapos inaya na ko ni kuya sa may part ng hotel na may kainan. Hindi naman mukhang hotel to we. Parang isang mall. Nandito na kasi lahat. Madaming kainan, salon, spa, casino, clothing store, etc. Sobrang laki talaga.
"Oy kuya!! Libre mo ha!!"
"Haha. Oo na. Umorder kna lang."
Inorder ko lahat ng pagkain na mukhang masarap. Picture pa lang, naglalaway na ko we. Tsaka pagka libre, sinusulit ko talaga. Hihi.
Nung binigay na lahat ng inorder ko, kuha na lang ako ng kuha. Lamon kung lamon. Pag nabilaukan, may tubig naman. Hooooooo! Sarap!
"Hindi ko maintindihan kung bakit kahit parang halimaw yang mga bituka mo, napakapayatot mo pa din. Dahan dahan lang, baka pati pinggan lununin mo na." Tawa lang sya ng tawa.
"Rymoyaoropya!"
"Ha? Kumain kna nga lang ng kumain jan."
Sabi ko lang naman kaya, try mo kuya, masarap. Bingaw naman.
*ugh. ugh.*
"Big... ubig. tubiiiiiig!!!!"
Nabilaukan na nga ako. Hinablot ko na lang bigla yung baso. Tapos ayon, okay na naman.
"Ayos ka lang? Dahan dahan kasi." Sabi ni kuya.
Nagsimula ulit ako kumain. HIndi nadala eh.
Tapos nakita ko yung lalaking nakasalamin kanina. Yung manyak. Umakyat lahat ng dugo ko bigla we. Anong ginagawa nya dito?! Patayo na sana ko para komprontahin sya, kaso biglang dumating yung mga inorder kong ice cream.
Heee! Hamu na nga sya! Baka matunaw lang tong ice cream ko. Karma na ang bahala sakanya!
------- to be continued....
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
