Elle's POV
Biglang huminto yung kotse sa tapat ng isang mansion. As in MANSION. Hindi na kapagtaka-taka. Mas magtataka pa ko kung mas maliit yung bahay nila sa bahay namin sa Korea. -___- May mini parking lot sila sa gilid ng bahay nila kaya nakababa kami ng kotse ng hindi nababasa.
"Jan ka lang sa labas?" Tanong nya habang nakahawak sa may knob ng pinto. Hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano mangyayari sakin once na inapak ko na yung paa ko sa loob ng bahay nila. (/___\)
"Gusto mo bang buhatin pa kita papasok?" Nangiinis nyang tanong.
"Tse! Eto na nga o. Papasok na." Namangha naman ako sa bahay nila. Parang sa TV ko lang nakikita 'tong gantong bahay e. Pwede nang pagdausan ng isang Grand Debut. WOW lang.
"Follow me..."
Umakyat kami sa 2nd floor ng bahay nila. Sa 6 na pintong meron sila, binuksan nya yung isa.
"Jan ka muna. Kukuha lang ako ng damit..."
Tipid naman sa salita. Mapanisan ka sana ng laway! Umalis na sya kaya nahiga na ko sa kama. Napahawak na lang ako sa mukha ko habang iniisip yung mga nangyari. Una, nagspy kami sa kanila. Pangalawa, binigay nya sakin si Miracle. Pangatlo, binuhat nya ko papuntang kotse nya. Pangapat, NANDITO AKO SA BAHAY NYA. Whoaw. Lord, pwedeng paki slow motion yung mga nangyayari? Hindi ako makasabay. =__=
Gusto ko na umuwi, kaso sobrang lakas pa din talaga ng ulan. Mukhang di pa yata 'to hihinto ngayon. Haaay. Linggo naman bukas kaya wala akong pasok na inaalala. Pero ang inaalala ko, baka may mangyari samin ngayon! Waaah! Sabi nila, kapag malamig daw, masarap gawin yung ano. Erase, erase! Hindi pwedeng mangyari yon! Sa lalaking mahal ko lang gagawin yun.
Ilang minuto lang, pumasok si Shin sa kwarto na may dala-dalang cute na pajamas at isang mug. May print pang cupcakes yung pajamas. Haha, cute!
"Eto muna suotin mo..."
"Ikaw nagsusuot nito Shin?" Nakatingin ako don sa cute na pajamas. Nakakapagtaka kasi kung san nya nakuha yon.
"Eh kung plabasin kita ng bahay namin? Sa kapatid ko yan." Wah, katakot. >.<
"Eh. Nasan yung kapatid mo? Bat ikaw lang mag-isa dito?"
"Bat ba ang dami mong tanong?"
"Eh kung sagutin mo na lang."
"Tsss. Nakisleepover yun."
"Magulang mo? Wala ba kayong maids? Ang laki-laki ng bahay nyo, wag mong sabihing ikaw lang naglilinis nito?"
"....."
"K. Sabi ko nga hindi na magtatanong e. Ano ba yang dala mo?"
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
