Ang cute na cute na si Jelo!
------------------------------------------------------------>
Ang sarap lang ingudngod nung mukha ng lalaking yon sa kanal. Kung hindi lang ako nakapalda, baka nagharap na sila ng paa ko we. Matagal ko nang gustong ipatikim saknya ang roundhouse kick ko no! >.<
Pero may utang na loob ako sknya. Kahit papano, mabait naman pala 'tong si Mr. Sungit. Hehe.
"Smileys......" sabi nung lalaki sa likod ko tapos nagderederetso na palakad. Si Sungit nanaman.
Ano nanamang pinagsasasabi non na smileys?
"Wiwit!" May mga sumisipol na lalaki na dumadaan. Tapos nagtatawanan sila.
Smileys? Dati tinawag nya kong strawberry, tapos ngayon, smileys? Tinignan ko yung palda ko.
Nakatupi yung skirt ko pataas. At may print nanaman yung undies ko. This time, smileys. Waaaaaaaah! Nakikitaan na pala ko!!! Dali dali kong tinanggal sa pagkakatupi yung palda ko.
Bakit ba tuwing mangyayari skn yung ganto, laging yung lalaki na yon ang nakakakita?!!??!!
Para na kong umuusok na takure sa inis. Napakajerk nya! Perv!!!
Naalala ko, hindi ko nga pala alam yung daan papuntang school. Elle, napakatanga mo talaga!! Lakas ng loob kong wag na magpahatid eh.
Nakita ko si Sungit sa di kalayuan. Sumunod na lang ako sknya kasi alam kong sa BA din naman ang punta nya.
Lakad..
Lakad..
Lakad..
"Hanggang kelan mo ba ko susundan? Kailngan mo ba ng autograph o ano?"
Napansin na pala nya ko..
"Hoy kapal mo din no! Di ko lang kasi alam kung saan papntang school.."
Lakad...
Lakad..
Lakad...
Teka, parang hindi na ito yung dinaanan namin ni Manong Jerry papuntang school kahapon ah? Wala na ding ganong tao dito sa dinadaan namin.
Aaaack! May masamang balak yata sya sakin?! Baka dadalhin nya ko sa isang lumang factory tapos.... Aaaah ayokong isipin! >.<
"Oy sungit! H-hindi naman ito... yung... papuntang school, ah..."
"Sino bang nagsabing sundan mo ko? Tsaka may pangalan ako. Shin, k?"
Kapangalan nga pala nya ung first love ko. Bakit ko ba nakalimutan? =.="
"Ahh.. Ehhh... Sa hindi ko nga alam kung saan papuntang school eh!!"
Lakad pa...
Lakad..
Lakad...
"Uyyy! Shin! San ba kasi papunta tong daan na 'to?!"
Dumadaan na kasi kami sa mapunong lugar pero sobrang ganda. Parang nagbibigay ng dreamy feeling sa dadaan. Pero isang lalaki pa din ang kasama ko!! Sa isang liblib na lugar!! Aaaah!!!
Nang biglang....
"Kyaaaaah!!"
"Ano?"
"Anong 'ano'?! Hindi mo ba nakikitang nadapa ako?!!"
"Oh ano ngayon?"
"Anak ng tokwa!! Hindi mo man lang ba ko tutulungan?!"
"Bakit? Anong mapapala ko kung tutulungan kita?"
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
