String #34 (I'm too young to die)

75 2 1
                                        

AN: Nakapagupdate din, mwehehe. Sembreak baby, magkakasama na ulit tayo! Sa Sabado na lang ulit update, mamadaliin ko na yung kwento. Eh kasi naman, ang dami pang mangyayari, eh tamad pa naman yung author ng kwentong 'to. 

Itutuloy ko na sana yung chapter na 'to hanggang sa malaman ni Rence na dati pa nya kilala si Elle, kaso sabi ni Alfon hiklian ko lang daw. Ade ayan. Mwahahaha, hi boypreng. :)))))))))

-------------------------------------------------------------------

“Pinagkasunduan? Layuan sino, Scythe?”

Yunrie’s string

Mukhang nagulat yung dalawa don sa tanong ko. Hindi yata nila ineexpect na nakabalik ako agad. Eh bakit ba, ano ba kasi yung pinag-uusapan nila?

“Ang bilis mo naman yatang nasabi sakanila?” – Daniel. Si Scythe, nakapamulsa lang at nakatingin sa ibang direksyon.

“Ah, eh ang totoo kasi nyan. Nakalimutan ko kung magkano yung kinita nyo kaya bumalik ako agad.”

“Tsk. Utak munggo talaga.” Bulong ni Scythe.

“Hoy narinig ko yon! Bawiin mo yon!”

“Alin? Yung utak munggo ka?” Ngumiti sya na halatang nangiinis.

“Ang yabang mo talaga! Bukas naman zipper mo!”

Nanlaki yung mata nya tapos napatingin sa pantalon nya. Habang kami ni Daniel, nagpapaluan na sa kakatawa. Naniwala naman ang ulupong! Mwahaahahahahaha! Ganti-ganti lang dude. >:P

“Tsk.” Tapos biglang sumeryoso yung mukha na at nakatingin sa mukha ko. “Wait, teka ha wag kang gagalaw.” Hindi nga ako gumalaw, masunurin e. Papalapit sya sa mukha ko habang nakakunot yung noo ko na para bang may sinusuri.

“OUCH!!!!!!!!!!” Napahawak na lang ako sa noo ko na sa tingin ko eh pulang pula na.  Ang sakit non, ugh! Sukat ba namang pitikin ako sa noo! Feeling ko naalog yung utak ko we. Oo, kahit gano pa kaliit yung utak ko meron pa din ako nyan. Wag nga kayo!

Hinahawak-hawakan ko yung noo ko na parang naerase na sa body parts ko. Nang biglang dumaan si Scythe sa tabi ko at ginulo yung ibabaw na part ng buhok ko. “Tara na, naghihintay na sila.. Strawberry.”

Strawberry?

Sounds familiar…

AH!!

=__________________=+++

Di pa din pala sya nakakaget-over sa print ng undies ko. Bwisit.

“Hoy! Hintayin mo ko! Baka bumukas nanaman yang zipper mo, walang magpapaalala sayo! Hoy! Hintay sabi!” Tumakbo ako papunta sakanya. Luh, pano si Daniel? Tsk, yae na nga. Malaki na sya. Mwehehe. :3

At nakahabol din ako sa paglalakad nya. Di naman ako nainform na 1metro pala bawat hakbang ng taong ‘to! Jusko!

“Pssst.” Di kasi sya nagsasalita.

Dedma.

“Oy, Shin.”

Dedmatology. Psychology. Zoology.

“Gay lord!”

O_____________O <---- Reaksyon nya.

“Anong sinabi mo?”

“Gay lord. Di mo ba alam yon?”

“Alam ko, pero bakit mo ko tinawag non?” Nakakunot na yung noo nya, galit na yan. Hala ka. Hahahahahahaha. Sarap kasi inisin eh.

Strings of FateWhere stories live. Discover now