String #13 (Confession)

122 0 0
                                        

Nandito kami ngayon ng dalawang magkapatid sa canteen, naghahanap ng mauupuan. At sa wakas, meron kaming nakita na vacant. Umorder na kami ng pagkain tsaka umupo.

Kanina pa ko pinepeste ng dalawang magkapatid na 'to para makasagap ng tsismis. Pwes, wala silang mahihita kahit anong impormasyon mula sakin. Mamaya malaman ko na lang alam na ng buong BA yung nangyari. Makakati dila ng dalawang 'to e. 

"Sige na Elle! Naman oh. Kahit konti lang." - G

"Oo nga. Ang damot mo 'te! Di naman kami maingay we." Wehhh, tamaan man kayo ng kidlat?

"Kwento mo lng kung ano nangyari nung nakela SHIN ka." Kailangan talaga ineemphasize yung pangalan nung ungas na yon? Tinakpan ko yung bibig nya.

"Sssh! Wag ka ngang maingay. Mamaya marinig kayo ng ShiJeLa club, ade nalitson na ko. Konting awa naman."

"Eh make kwento na kasi!" - A

"We promise, your secret is safe with us." Inaction pa ni Gorje na zinizip yung mouth nya.

"Wala nga kasi yon." 

May biglang sumulpot na lalaki.

"Yo!"

Napatingin kami bigla sakanya. 

"Hi Jelo!" Nakangiting sabi ni Allison.

"Uh.. hi jelo." Bat ganto si Gorje? Hinhin kuno? Anong drama nito. AH! Oo nga pala. Napangisi ako bigla.

"Uh, bat ka nga pala napadpad sa table namin?" Tanong ko.

"Wala lang. Bigla ko lang kasi kayong nakita. Gusto ko lang kayong batiin." ^____^

"Gusto mo bang sumabay samin maglunch? Upo ka oh." May naiisip kasi akong plano. You'll owe me, Gorje.

"Sige! Pag-usapan na din natin tungkol don sa concert. Malapit na yon e. Teka nga.. Nasan na ba yung dalawa?" Luminga linga sya paligid. Bigla naman dating ni Shin at Lanz.

"Hi girls. Ano na, pano na yung gagawin nating performance?" Tanong ni Lanz habang paupo na sa tabi ko. Hindi ko kasi katabi yung dalawa, nasa harap nila ko. Anim na upuan lang ang meron dito. Sakto!

"Ano pang tinutunganga nyo jan? Shin, upo na! Di pa ba kayo nagugutom? Jan ka na maupo sa tabi ni Gorje, Jelo. Then let's get down to business!"

Umupo naman silang dalawa. Tiningnan ako ng masama ni Gorje, pero alam ko deep inside pinasasalamatan nya ko. Kumindat ako sakanya.

"Dba after exams yon gaganapin?" - Allison.

"Yup." - Jelo.

"Eh kelan ba exams?" - A

"This week." Muntik nang mabuga ni Allison yung iniinom nyang Coke Zero sa sinabi ni Lanz.

"WHAT? Oh God.  Hell week nanaman. Save me Lord!" - A

"Hindi ka ba nakikinig kay Mam Lim kanina? Tss." - L

"Hindi, sorry ha?" - sarkastikong sabi ni A

"Ano pa bang bago?" - L

"Aba, teka nga!" - A

"Magiging busy na pala tayo masyado." Pagiiba ko sa usapan. Parang may kuryenteng dumadaloy sa mga mata ni Allison at Lanz habang tinitignan nila sa mata yung isa't isa. Kala ko sa anime ko lang 'to nakikita, di pala. -___-a

(>.>) ----    ---- (<.<)

"Hala. Pano ba yan, hindi ko pa din maintindihan yung Logarithm. Bagsak nanaman ako sa Elective natin." Nagpout si Gorje. Nagpaparinig ba sya? Haha.

Strings of FateWhere stories live. Discover now