Elle's POV
-_____-
-O- higab...
o___- dilat isang mata...
o_____o dilat dalawang mata....
>.< blink....
O____O
Hindi naman 'to yung kwartong tinulugan ko kagabi ah? Tinignan ko yung ilalim nung kumot. Whew, safe. May saplot pa naman ako. Lumingon lingon ako sa paligid. Nakita ko si Shin, nakahiga sa may sofa. Ang amo amo ng mukha nya. Para syang batang paslit na walang malay sa mundo. Sana lagi na lang syang tulog. Kung painumin ko kaya ng sleeping pills lagi 'to? HAHA.
*dug dug*
Biglang lumakas yung tibok ng puso ko for a split second. Napahawak ako sa lips ko. Napanaginipan ko kasi na may humalik daw sakin. Kahit madilim yung image, kahawig nya si Knight.
KNIGHT... TT_______TT
Nasan ka na ba?
Saang isla ka ba sa Pilipinas nagtatago?
Waaaaaaah. Kaya nga ako pumunta dito sa Pilipinas para hanapin sya, pero ilang linggo na wala pa ring development. May pera naman kami, eh kung maghire kaya ako ng private investigator? Hmmmmm...
Wag na nga. i believe that true love will find its way. Ano daw? Hahaha. Whatever. Tinignan ko yung orasan. 8:00am na pala.
O____O
8:00 am?!
Uuwi na ko! Lagot ako nito kela Manang. Baka ireport ako nun kay mama at kuya! I'm so dead.
Biglang bumukas yung pinto. Tumambad ang isang cute na batang babae na kinukusot yung mga mata nya.
"Kuya.. Shin... Breakfast na... tayo." Patuloy pa din sya sa pagkamot. Bagong gising eh. Nung pagdilat nya ng mata nya, nanlaki yung mga mata nya sakin.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" Nagtatakbo sya tapos bumalik din ulit sa pinto. Weird -____-
"May babae sa kwarto ni Kuya Shin!!! Babae!!! Nasan na yung camera ko? Kailangan ko 'tong i-blog!!!" Nagtatakbo na ulit sya.
"Ugh......Ang ingay naman." Nagising na si Shin at nagkusot ng mata. Kamukhang kamukha nya yung batang weird kanina. Kapatid siguro nya. Dumating ulit yung cute na bata na may dala dalang camera. Tinutok nya samin at nagflash ang camera.
"Riri!!! What do you think you're doing?!" Tumakbo yung bata at hinabol sya ni Shin.
"Lagot ka sakin!"
"No kuyaaaaa! I'll tell mommy nagdala ka ng babae sa bahay!"
May ibang side pala si Shin. Kala ko lagi lang syang seryoso. Tumayo na ko sa kama at hinanap silang dalawa.
"Ibigay mo sakin yan!"
"No! Kailngan malaman ng mga fans mo yan no! Sikat kaya ang blog ko dahil sayo!"
"I said no! And that's final!"
Sumilip ako sa may pinto at nakita kong nagrewerestling silang dalawa. Waaah! Baka mapatay nya yung bata! Ang laki nyang dambuhala eh!
"Yaaah! What are you doing Shin?! You'll kill her!" Inagaw ko yung bata sakanya. "Don ka na nga! Halika na little baby, magbebreakfast na tayo. Teka, san ba dining area nyo?"
"Kung makapagpalayas ka. This is my house, mind you."
"Whatever." Hinawakan nung bata yung kamay ko at hinila ako papunta kung san man. Palakad lakad pa kami at bumaba sa first floor. Pumasok kami sa isang kwarto kung saan may isang sobrang habang table na kasya yata ang 30 katao. Umupo kaming dalawa sa may dulo.
BINABASA MO ANG
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
